Seulgi
"Napakabangis niyan ni Sana no? Hahahaha dinaanan lang yung euter kanina amp." Dinig kong sabi ni Joy kay Wendy at Lisa.
Naglalakad kaming lima at buti nga sumama samin 'tong si Sana eh.
"Princess Sana, mabangizxcs!" Sigaw ni Lisa at nag pose pa ng pang hypebeast.
"Di kayang maliitin!" Kanta pa ni Wendy kaya natawa ako ng konti. Mga gago talaga.
Tinignan ko naman kung anong reaksyon ni Sana naka poker face lang ang mukha.
"PRINCESS THEA THEA MABANGISSS!" Sigaw na kanta nung tatlo kaya nag lapitan na naman yung mga euters. Napangiwi nalang ako sa katarantaduhan nila.
Hawak hawak nilang tatlo ang mga pagkain na nakuha namin tas kaming tatlo nila Jennie ang papatay sa mga euters na lalapit.
"Tangina sige palapitin niyo pa mga gago." Malamig na sabi ni Jennie sabay saksak sa mukha ng euter na malapit sa kanya.
"Ay sorry na sorry na hahaha." Sabi ni Lisa at yumuko yuko pa.
"Si Chaeng asan?" Tanong ni Jennie kay Lisa. Napalingon ako kay Lisa para tignan ang reaksyon niya.
"Wala na, maliligtas dapat siya pero ayaw niya manakit dahil tao pa rin daw yun ayaw niya pumatay kase nasa sampung utos daw yun." Malungkot na sambit ni Lisa at huminga ng malalim.
"Nasa bahay kami nun, nasa kwarto ako nun at nasa sala si Chaeng nagbabasa ng bible tapos biglang may nakapasok na euters at nilusob nila yung bahay namin di ko na naligtas si Chaeng dumaan ako sa bintana napakawalang kwenta kong tao." Hinihingal na kwento ni Lisa pero mapapansin mo ang pagiging malungkot niya sa pagkawala ni Chaeyoung.
"Oy taph taph na andito na tayo." Sabi ni Wendy nang matanaw niya na ang gate ng bahay ko.
May sasakyan sa tapat ng bahay ko kaya nagtaka ako. Hindi naman akin itong sasakyan na to kasi nasa loob nga yung sakin.
"Tignan niyo yun." Sabi ni Sana at tinuro ang dalawang taong iniikot ang bahay ko na para bang may hinahanap.
Lumapit naman kami dun at nakita naman kami nung dalawang lalaki kaya lumapit sila samin.
"Jackpot." Dinig kong sabi nung isang lalaki. Tinanggal naman nung isang lalaki ang hood at mask niya.
Napahawak naman si Jennie sa braso ko kaya nagulat ako. "S-sila Taehyung y-yan." Nanghihinang sambit ni Jennie sakin habang nakakapit pa din sa braso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/154317451-288-k988223.jpg)