026

425 25 13
                                    

Wendy

"Waaaaaaah Chaeyoung unnie!!!!!" Sigaw ni Yeri at tumabi dun sa kasama ni Lisa kanina na may hawak ng bible.

Kalmado lang ang mga mata nito at mahinhin kung kumilos.

Si Lisa naman hindi mahiwalay dun sa Chaeyoung at kanina pa hawak hawak at walang balak bitawan ang kamay nung babae.

"Pano ka nakaligtas dun Chaeng?" Maluha luhang tanong ni Lisa at hinahalik halikan pa ang kamay ng babae.

Ngumiti naman si Chaeyoung.

"Diba nasa sala ako at nagbabasa ng bibliya? Nung sinugod ako ng mga euters ay niyakap ko bibliya at himalang hindi nila ako kinain." Paliwanag ni Chaeyoung sa kanila. Eh baka di ka masarap hehe joke lang.

"Eto pa, niligtas ako nito. Kaya manalig lang tayong lahat at gagabayan tayo ng panginoon." Mahinahong sabi ni Chaeyoung at ipinakita ang rosary niya kaya tumango tango naman si Lisa.

"Manalangin tayo!" Sigaw ni Joy kaya binatukan siya ni Yeri.

"Oh bakit?" Tanong ni Joy habang hawak hawak ang ulo niya dahil masyadong malakas ang pagkakabatok ng mcnaenae namin.

"Wala trip ko lang hehe." Medyo awkward na sabi ni Yeri at lumapit kay Sooyoung para halikan ito sa pisngi. Ew rated spg.

"Hoy tumigil nga kayo kita niyong may si-" Naputol ang sasabihin ko nang may marinig akong mga paa na pababa ng hagdanan.

Si Seulgi pala. Buti at bumaba na siya.

Pati rin sila Lisa ay natahimik at napatingin din kay Seulgi.

"S-seulgi u-unnie b-buti l-lumabas ka na k-kumain ka n-na." Utal na sabi ni Joy. Kase nung nangyari yun nanood lang kami habang si Irene unnie naman ay nilapitan si Seulgi.

Pagpasok ni Seulgi ng bahay niya nun galit na galit siya.

Flashback..

"ANO WALA KAYONG GINAWA!!" Galit na sigaw samin ni Seulgi habang umiiyak.

"WALA KAYONG GINAWA!! NAWALA YUNG MAHAL KO DAHIL NANONOOD LANG KAYO!!" Dagdag pa ni Seulgi at tinuro turo pa kami.

Para kaming mga bata na pinapagalitan ng tatay niya dahil nakaupo kami sa sofa habang siya nakatayo.

"MGA PUTANGINA BAKIT HINDI NIYO NILIGTAS!!" Sermon niya samin at napaluhod pa siya sa harap namin.

"Bakit niyo siya hinayaan mawala sakin?" Parang bata na iyak ni Seulgi. Kung kanina para siyang tatay na handang pumatay ngayon para siyang batang naagawan ng candy.

"Jisoo.." Umiiyak na sabi ni Seulgi habang nakasubsob ang mukha niya sa lapag gawa nga ng nakaluhod siya.

--------------

HAPPY 2K READS OKEEEEEEH KEEP EUTING HAHAHA

eut safely~❤️

EUT WARRIORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon