003

1K 33 53
                                    

Jennie

"So unnie, pano na? Anong gamot ang gagawin natin?" Tanong ko kay Irene unnie.

Tinanggal niya naman ang suot niyang salamin at napasabunot pa sa buhok niya. "Di ko rin alam Jennie." Sabi niya at sinubsob ang sarili sa lamesa niya.

"Wala na si dad." Malungkot na sabi ko. "Tayo din ang aasahan ng mga tao bilang si dad ang pinakamagaling na doktor dito." Dugtong ko pa.

"Pero si dad ang unang tao na nagkaron ng virus na yun." Sabi ni Irene unnie sakin. "Kaya di na ko magtataka na marami tayong kapatid at nanay." Stress na sabi niya.

"Damn sobrang adik nga ni dad eh buti di tayo ang ginalaw. Ang gaganda pa naman natin." Sabi ko at nag hair flip pa.

"Ew shut up." Sabi niya at tumayo. Kinuha niya ang bag niya at binuksan. Kinuha niyo doon ang laptop niya at bumalik sa kinauupuan niya.

Tumayo ako papuntang likod niya para tignan kung anong ginagawa niya.

Nakita kong online si KIM JISOO!!! OMYGHAD MY BABY CHUU.

Dali dali akong tumakbo papunta sa kama ni Irene unnie at kinuha ang phone ko.

To: Kim Jisoo

THANK GOD BUHAY KA!❤️

Text ko kay Jisoo labs yan.

From: Kim Jisoo.

YESSSS AND GUESS WHAT! NASA BAHAY AKO NI SEULGI BABE!!!!!

Kim Jisoo sent a photo.

Masakit takte.

To: Kim Jisoo.

REALLY? UH THATS GREAT BE SAFE!

Ang tagal tagal na niyang gusto si Seulgi pero parang wala lang kay Seulgi.

Si Seulgi unnie, puro naman siya Irene unnie eh binasted na nga siya ni Irene unnie pero alam kong mahal niya pa rin si Irene unnie hanggang ngayon. Nasasaktan ako para kay Jisoo. Kase yung mahal niya di rin siya mahal. Katulad ko, mahal ko siya pero di ako ang mahal niya.

"JENNIE!" Sigaw ni Irene unnie kaya nawala ang pagmuni muni ko.

"Yes unnie?" Tanong ko sakanya.

"Kailangan nating kumuha ng euters para sa gagawin nating lunas." Sabi ni Irene unnie sakin.

"Euters?" Kunot noo kong tanong sakanya at nag nod naman siya. "Yun yung tawag ko sa mga may evd hihihi." Ngiting sabi ni unnie.

"Wtf unnie? Seriously?" Di makapaniwalang sabi ko sakanya.

"Eh kas-" Nahinto siya ng nag ring ang laptop niya at nakita kong tumatawag si Seulgi unnie sakanya. May communication pa sila ni Seulgi unnie? Seryoso?

Sinagot niya naman ito at bumungad ang mukha ni "WENDY, JOY AT YERI!" Sabay naming sigaw ni Irene unnie.

"CHARAAAAAAAAN" Sabay sigaw nung tatlo at tumawa pa hahaha.

"Unnie i miss youuuu!" Sigaw ni Yeri kay Irene unnie.

"Oh hi Jennie!!!" Sigaw ni Joy kaya nag wave ako sakanya at nginitian siya.

"Uhm nasaan kayo?" Tanong ni Irene unnie sakanila.

Nakita ko namang nag aalangan pa sila sa pagsagot at nagtinginan. "Ah eh Irene unn-" Naputol ang sinasabi ni Wendy nang may magsalita sa likod.

"Chicken chicken chicken!" Rinig kong sabi nung nasa likod nila. Wait dont tell me..ITS KIM JISOO?

"KIM JISOO?" Sigaw ko at sabay kuha ng laptop ni Irene unnie.

"Yah Jennie-yah ang gulo mo." Sabi pa ni Irene unnie pero di ko siya pinansin.

"San si Jisoo?" Tanong ko kay Wendy unnie.

"Ah eh Jennie kase." Litong sabi ni Wendy unnie.

"Please Wendy unnie pakita mo sakin si Jisoo. I miss her." Sabi ko sakanya kaya wala na siyang nagawa at binitbit ang gamit niya at tinutok kay Jisoo unnie ang camera. Nadurog naman ang puso ko nang makitang masayang nagtatawanan si Jisoo at Seulgi unnie habang kumakain ng chicken. Putangina kang chicken ka.

EUT WARRIORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon