Jisoo
Dear Joohyun,
Sasabihin ko to hindi dahil gusto ko, sasabihin ko to kasi trip ko lang hehe. Joohyun, i really love you. Bata pa lang tayo alam ko na. Nararamdaman ko na. Kaya ko to sinulat para malaman mo ang nararamdaman ko para sayo hindi para pilitin kang mahalin ako pabalik. Kaya Joohyun kung ano man ang maging sagot mo dito sa sulat ko na to, rerespetuhin ko kasi mahal kita.
Seulgom.
Dati pa to diba? Bakit pa pinapakita sakin ni Jennie to? Anong gagawin ko dito? ang nakaraan ay nakaraan na, tapos na.
Hindi na pwedeng balikan.
Kinuha ko ang pangalawang liham ni Seulgi kay Irene noong mga highschool pa lang sila.
Dear Joohyun,
Alam ko namang di mo ko kayang mahalin pabalik. Expected na yun haha. Pero Joohyun masaya ako kasi inamin mo, inamin mo na hindi mo ko kayang mahalin pabalik. Na mahal mo ko bilang kaibigan lang talaga at kung mas hihigit pa dun, pagmamahal ng isang kapatid ang maibibigay mo sa akin. Sabi ko nga nirerespeto ko ang magiging sagot mo pero bakit pakiramdam ko mahal mo ako? Bakit sa mga tingin na binabato mo sa akin yung mga mata mo kumikislap na parang ako yung pinaka ingat ingatan mong bagay sa buong mundo? Naguguluhan ako sayo Joohyun.
Seulgom.
Eto siguro yung time na binasted ni Irene unnie si Seulgi. Nandun ako. Oo ako yun, thats me.
Awang awa ako kay Seulgi noon dahil nakaluhod talaga siya harap ni Irene unnie pero sadly yun nga.
Kinuha ko uli ang isa pang liham ni Seulgi.
Joohyun, aking kababata.
Na aking sinisinta.
Pero ang kaniyang mata,
Nakatingin sa iba.Pero kahit ganon ito,
Mahal ko pa rin ito.
Bata pa lang kami,
Bakla na kami.Kung magmamahal ka ng iba,
Sige dun ka na.
Dun ka sa pasasayahin ka.
Dun ka sa mamahalin ka at aalagaan ka.Basta ako nandito.
Sa tabi mo.
Pag kailangan mo ng panyo.
Pag kailangan mo ng ka-sogo.Napatawa ako ng mapakla sa ginawang tula ni Seulgi. Infairness ah tugma tugma at malayang taludturan ang ginawa ng gaga.
Sunod kong tinignan ang nasa likod ng tula.
Dear Joohyun,
Maganda ba? hehe mas maganda ka kaya. Ayieeeut HAHAHAHA. So yun ginawan kita ng tula para malaman mo na kahit hindi mo ko mahal, mahal pa rin kita. Opx di ko ginawa yan para mahalin mo ko ah hands up ako diyan gay hehe. Joohyun sobrang mahal kita kaya kahit sinabi mong hindi mo ko mahal, mahal pa rin kita hehe paawa ako. Tangina iiyak ako tas magpopost ako sa fb sabihin ko pinaiyak mo ko potangena huhu.
Seulgom.
Nakakaiyak talaga huhu potangena huhu. Why Irene whyyyy. Seulgi na pinakawalan pa.
Dinukot ko sa bra ni Jihyo ang pang apat na sulat pero hindi ito kay Seulgi.
Dear Seulgom,
Pasensya ka na. Nagsinungaling ako. Mahal kita, oo mahal na mahal kita. Pasensya ka na kung nagsinungaling ako sayo at iniwan kita. Akala ko pag nilayuan kita mas mabilis nating makakalimutan ang isa't isa. Seulgom mahal din kita. Natatakot lang ako sa sasabihin ng mga tao sa atin lalo na ng pamilya natin.
Joohyun.
Nang matapos kong basahin yun ay may nahugot akong lantang bulaklak ng santan.
