005

795 31 130
                                    

Irene

Pinagmamasdan ko lang si Sehun ng bigla itong nanginig ng sobrang lakas dahilan para mahulog ang hospital bed na hinihigaan niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko lalo ng makita kong nakawala si Sehun mula sa pagkakatali sakanya ni Jennie sa kama.

Tumayo si Sehun kaya lalo akong naalarma hindi ko alam ang gagawin ko.

Mabagal sila maglakad.

Tama! Mabagal sila maglakad kaya inikutan ko ang kwarto para di ako makagat ni Sehun at di na maabala pa si Jennie.

Hinabol naman ako ni Sehun at laking gulat ko ng biglang bumilis ng kaunti ang lakad nito. Para siyang paika ika na tumatakbo kaya binilisan ko ang pag ikot ikot ko sa loob ng kwarto at nang makalapit na ko sa pinto ay lumabas ako ng kwarto at pinagsaraduhan si Sehun. Wew tangina muntik na yun.

Habang nakasandal ako sa pinto ay nakakita ako ng babaeng nakaupo sa may couch namin kaya lumapit ako para tignan ito.

"Uhm miss?" Tanong ko habang papalapit dun sa babae.

"E-eut." Mahinang sabi nung babaeng nakatalikod. Tangina bakla to?

"Miss?" Kakalabitin ko na sana ito ng bigla itong humarap sakin. Putangina yung mata niya..yung ulo n-niya..

"AHHHHHHH EUTER!!!! JENNIEEEEE AHHHHHHH!!" Tili ko habang dinedepensahan ang kamay ng euter para di niya ko makagat.

Bigla namang natumba ang euter at nakita ko si Bogum na nakangiti sa akin.

"Bogummie!" Sabi ko at tumakbo papunta sa kanya. Niyakap ko siya.

"Ehem putang ehem ina ehem seul ehem rene ehem lang ehem mga ehem ulol ehem no ehem to ehem borene ehem pakyu ehem Bogum." Singit ni Jennie? Ano daw?

"Ano?" Sabay naming sabi ni Bogummie.

"Wala lalandi niyo. Madami ng euters na nakapasok kaya umalis na tayo." Sabi ni Jennie at tumakbo papunta sa kwarto niya.

Pagbalik niya may dala siyang bagpack at mga sandata.

"Unnie ano na wala ka ng kukunin? Sabi sakin ni Jennie kaya natawa naman si Bogum. Anong nakakatawa?

"Saan tayo magsstay?" Tanong ko sa kanya.

"Sa kampo namin." Kalmadong sagot naman ni Bogum.

Tumakbo ko sa kwarto ko para kunin ang kailangan ko. "Bagal mo unnie." Salubong sakin ni Jennie paglabas ko ng kwarto na ikinatawa naman ni Bogum.

"Lets gooooo!" Sabi naman ni Bogum at pa-cool na lumabas sa pinto. Pagbukas niya ng pinto napaatras naman siya sa dami ng euters sa labas. Kinuha niya ang katana niya sa likod pinutulan ng ulo at pinagsasaksak ang mga euters.

"Wow ang galing naman ni oppa Bogum!" Sabi ni Jennie at pumalakpak pa.

"So pano tayo makakaalis nito?" Tanong ko kay Bogum ng makita ang madaming nakaharang na euters kung sakaling lulusong kami.

"Ano ka ba Irene pano kita matatagpuan dito kung di ako nakahanda?" Proud na sabi at kinuha sa bulsa niya ang phone niya at may tinext.

Wala pang isang minuto may isang sasakyang huminto sa harapan namin. Binaba naman niya ang bintana ng kotse niya.

"Taehyung-ssi.." Sabi ni Jennie kaya nakita kong napatingin si V sakanya.

"Oh Jennie ikaw pala." Nakangiting sabi ni Taehyung kay Jennie. "Sakay na mga bessi." Dugtong ni Taehyung.

Nakarating kami ng ligtas sa kampo nila Bogum. Naunang bumaba si Bogum at pinagbuksan ako ng pinto. Ganoon din ang ginawa ni V kay Jennie. Wait may something ba 'tong dalawang 'to? Alam ko kasi Jensoo lang.

EUT WARRIORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon