Seulgi
"Wawawiwaw." Bungad samin ni Joy nang makita niya kaming bumaba ni Jisoo dahil nakaakbay ako kay Jisoo.
"wAWAWIWAW." Mukhang siraulong sabi din ni Lisa. Anong meron sa wawawiwaw?
"Sana ol may kaakbayan." Madramang sabi ni Wendy at kunwari pang nagpahid ng luha.
May kasalanan ka pa pala saking Wanda ka.
"Hoy ikaw Olaf ka! May kasalanan ka pa sakin halika dito." Sabi ko kay Wendy at tinanggal ang pagkakaakbay ko kay Jisoo at nilapitan siya.
"Bubu ka nu? Sabi mo halika tapos ikaw yung lumapit." Tawa niya kaya binatukan ko siya.
"Bwisit." Sabi ko at umupo nalang sa upuan na katabi si Jisoo.
Hinawakan ko naman ang kamay ni Jisoo sa ilalim ng table kaya napatingin siya sa akin kaya nag pout ako.
Inusod ko ang upuan para mapagdikit kaming dalawa ni Jisoo at sumandal ako sa balikat niya.
"Si Wendy inaaway ako oh." Sumbong ko kaya natawa naman siya ng konti.
"Isip bata mo no? Hahahaha." Sabi ni Jisoo at kinurot ang ilong ko kaya napangiti ako sa kanya yung eye smile ganon.
"Ehem." Napatingin naman ako sa harap ko na si Joohyun pala kaya inayos ko ang ulo kong nakapatong sa balikat ni Jisoo at nginitian ko siya.
"Yow Joohyun!" Good morning!" Bati ko sa kanya pero nakataas lang ang kilay niya..okay? Badtrip ba siya? Baka meron siya?
Nagulat naman ako lalo nang mag walk out siya.
Anong nangyari dun?
