Irene
Habang nagddrive si Wendy ay kumakanta pa ito. Mukhang gago.
Si Yeri naman sa harap ay sinasayaw pa kung anong kantahin ni Wendy.
Si Joy sa kaliwa ko, tulog naman.
Si Jennie sa kanan ko ay nakatingin sa likod sa gawi nila Jisoo.
Nang lumingon ako kila Jisoo nakita kong nagtatawanan silang dalawa. Napakalandi talaga. Walang pasintabi.
"Eto pa Seulgi may joke ako sayo hahahaha." Rinig kong sabi ni Jisoo kay Seulgi.
"Sige nga, ano? Pag ako di natawa diyan wala kang chicken mamaya ha." Nakatawang sabi ni Seulgi kay Jisoo kaya nag nod naman si Jisoo at mukhang confident na confident na tatawa si Seulgi sa joke niya.
"Anong tawag mo sa hindi mo garden?" Tanong ni Jisoo kay Seulgi. Kumunot naman ang noo ni Seulgi. Edi gardenia mga bobo. -_-
"Ano?" Putanginang Seulgi to di na nagbago slow pa din.
"Edi gardenia!" Tumatawang sabi ni Jisoo pero nakakunot pa rin ang noo ni Seulgi.
Maya maya ng konti biglang humagalpak ng tawa si Seulgi. Okay? Slow gaming si gago.
Nakita naman ako ni Seulgi na nakatingin sakanya ni Jisoo kaya umiwas nalang ako ng tingin at sinubukang matulog.
Nagising ako nang maramdaman kong may bumubuhat sakin. Tinatamad ako ibuka ang mga mata ko kaya umungol nalang ako at tumagilid.
"Damn ang likot mo." Rinig kong sabi nung bumubuhat sakin. Nanigas naman ako ng mapagtanto ko kung kanino ang boses na yun. Minulat ko ang mga mata ko at isang osong pawis ang nagbubuhat sakin. Wala pa ding nagbabago sayo Kang, ang lakas pa din ng charisma mo.
Nagulat naman ako ng bigla akong hipan ni Seulgi sa mukha. "Miss baba na andito na tayo oh." Sabi sakin ni Seulgi kaya bumaba ako at pinalo ang braso niya.
"Yah masakit ah Seulgi." Sabi ko kaya kumunot ang noo niya.
"Seriously miss? Ikaw yung namalo tas ikaw yung nasasaktan? At tsaka bakit mo ko kilala?" Naniningkit ang mga matang tanong niya sakin.
"Parang tayo lang yan, ako yung nambasted pero ako yung nasasaktan." Sabi ko at lumakad papalayo sakanya.
