025

456 24 18
                                    

Wendy

"Seulgi kumain ka na." Sigaw ko sa pintuan ng kwarto ni Seulgi dahil tatlong araw na siyang di kumakain at nakakulong lang diyan simula nung aish basta.

"Seulgi kumain ka na parang awa mo naman." Dagdag ko pa at kumatok uli sa pinto niya. Malaki din naman ang impact ng pagkawala ni Jisoo samin eh pero syempre iba kay Seulgi.

Nung mangyari yung insedenteng yun di na rin namin nakita si Jennie. Sa dami ba naman ng euter na kalaban niya eh.

Hindi rin malabong magpakagat si Jennie sa mga euters pano yung mahal niya wala na, ano pang saysay ng paglaban niya sa mundo.

Huminga nalang ako ng malalim at nagsalita. "Sige ayos lang na magmukmok ka diyan Seulgi, ang akin lang naman wag mo patayin ang sarili mo." Sabi ko at umalis na sa harap ng pintuan niya para pumunta na sa hapag.

Pagbaba ko naman ay wala kang ni isang maririnig sa mga 'to. Yung kulitan nila Yeri hindi ko na marinig.

Yung mga tugtugan nila na pang hypebeast di ko na rin napapakinggan.

Siguro abugbog ni Berna si Princess Thea?

Si Sana at Jihyo wala pa ring nagbabago, parang may mga sariling mundo.

Si Irene unnie? Lumalabas naman ng kwarto nila ni Jennie yun pero madalas nakakulong. Pag lumalabas nga yun sobrang mugto ang mata eh.

Syempre ikaw ba naman mawalan ng kapatid eh.

Nakakalungkot lang na dahil wala pa kaming isang taon magkakasama nalagasan na kami ng dalawa.

Pero syempre hindi dun hihinto ang hangarin naming mailigtas ang mga sarili namin.

Gagawa kami ng plano.

Pero sa ngayon kailangan muna namin magpatibay ng loob.

Dahil sa mga nangyari di namin alam aming gagawin.

Nananatili kaming malungkot at nagbabaka sakaling may gumawa ng lunas.

Nahinto ang malalim na pag iisip ko ng tawagin ako ni Yeri.

"Unnie!" Tawag ni Yeri kaya nagulat ako.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.

"S-si Lisa!" Utal na sabi niya sakin na kinakabahan habang turo turo ang pintuan ng bahay na n-nakabukas shit!

Kinuha ko ang sandata na kung ano man ang mabitbit ko at sumugod palabas ng bahay at pagkakita ko may isang babae na naglalakad papalapit sa bahay at may hawak itong libro. Eh?

Habang papalakad siya nakita kong tumatakbo si Lisa papasalubong sa kanya ow shet!

Hahabulin ko sana si Lisa dahil akala ko lalapain siya ng mga euters pero hindi.

Nang mayakap ni Lisa ang babae ay pachill chill lang silang naglakad dito pabalik ng hindi man lang sila nilalapa ng mga tigang na nagkalat.

Habang papalapit sila Lisa ay binasa ko ang librong hawak hawak ng babae at napag alaman kong bible pala ang hawak nito.

EUT WARRIORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon