Seulgi
"Ha? Ano yun? Miss sandale!" Sigaw ko sabay habol dun sa babae. Nagulat naman ako ng biglang may yumakap sakin at napangiti nalang ako bigla nang malaman ko kung sino ito.
"Chicken chicken chicken!" Nakangiting sabi sakin ni Jisoo kaya hinarap ko siya at kinurot ang pisngi niya.
"Tara gawa tayo baby este chicken." Sabi ko at natawa naman si Jisoo at hinawakan ang kamay ko habang papunta kaming kusina.
Nang mapadaan naman kami sa sala nakita ko yung isang babae na niligtas namin yung mukhang pusa. Nakatingin ito ng masama sakin kaya napakunot naman ang noo ko sa ginawa niya. Nakita ko namang nagtaka ang mukha niya.
"Kim Jisooooo~" Mahabang tawag ko sa pangalan ni Jisoo nang makarating kami sa kusina.
"Seulchickeeeeen~" Panggagaya ni Jisoo sa tono ko kaya natawa ako.
"Kilala mo ba yung dalawang babaeng niligtas natin?" Tanong ko kay Jisoo at nag nod naman siya.
"Yung mukhang pusa, bestfriend ko yun si Jennie yun. Yung mukha namang kuneho si Joohyun yun." Sabi ni Jisoo at natango tango pa.
Joohyun, mahal kita.
Napahawak ako sa ulo dahil bigla itong kumirot. "Tanginaaaaaaaa!" Sigaw ko pa sa sobrang sakit.
"Seul anong nangyayare Seul?" Tanong ni Jisoo sakin pero di ko siya masagot dahil masakit talaga yung ulo ko.
Nakita ko pa ang nag aalala ang mukha ni Jisoo at may sinasabi pero hindi ko na 'to marinig. Unti unti ding dumidilim ang aking paningin at sa pagmulat ng aking mata iba na ang nakikita ko.
Isang palaruan na may dalawang batang babae. Mukhang oso ang isa at yung isa naman mukhang kuneho.
"Joohyun! Suot mo 'to halika dito!" Tawag nung batang mukhang oso dun sa babaeng mukhang kuneho na Joohyun pala ang pangalan.
Lumapit naman si Joohyun dun sa batang mukhang oso at nakita kong sinuot nung batang mukhang oso kay Joohyun yung bracelet na gawa sa santan.
"Salamat Seulgom!" Nakangiting sabi ni Joohyun dun sa Seulgom at hinalikan ito sa pisngi at sabay silang umalis ng playground na magkahawak ang kamay.
Unti unti na namang kinain ng dilim ang aking paningin. Pero bigla rin itong nagliwanag at nakita ko ulit yung playground at may dalawang babae na naka uniform.
Nakaluhod yung isang babae dun sa isang babae at nakayuko. Tinignan ko mabuti kung sino yung babaeng nakatayo. Joohyun.
Umangat naman ang tingin nung babaeng nakayuko at nakaluhod kay Joohyun. Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata nito. Nang matitigan ko ito namukhaan kong si Seulgom ito! Tama yung dalawang bata!
"Joohyun, mahal kita." Humahagulgol na sabi ni Seulgom hawak hawak ang kamay ni Joohyun. Nakita ko naman sa mga mata ni Joohyun ang awa, lungkot at pagmamahal pero taliwas nito ang sinabi niya.
"Alis na, nakakadiri ka di ako pumapatol sa kapwa ko!" Sabi ni Joohyun at mabilis na tinalikuran si Seulgom. Patuloy lang sa pag iyak si Seulgom nang may nakahagip ng aking mata. Isang babae na nagtatago sa likod ng puno at nakatingin kay Seulgom na umiiyak. Awang awa siya kay Seulgom pero hindi niya ito malapitan.
Pagkatapos non ay biglang dumilim ulit at matagal bago nagkaliwanag kaya nag panic ako. Hindi ako makagalaw fuck. Natigil lang ako nang may makita ulit akong liwanag at sa play ground na naman.
Isang babae nalang, nakaupo sa swing at nakayuko. Habang inuugoy niya ang sarili niya ay may tinapon siyang bracelet. Bracelet na gawa sa santan. "Sorry Seulgom, mahal din kita pero kailangan ko 'tong gawin para sa kinabukasan ko. Kaya sana sumaya ka na, kahit di na ako yung dahilan. Malaya ka na Seulgom." Umiiyak na sambit nung babae at tumayo na swing at sumakay na sa sasakyan niya.