Kabanata Anim

109 19 6
                                    


It's Sunday, umalis si mommy para lumuwas papuntang San Juan City. Bibisitahin niya ang naiwan niyang kotse at dadalhin daw niya sa bahay nila sa Greenhills. Kukunin na rin niya ang iba pa naming mga gamit doon. Gusto ko sana siyang samahan sa takot na baka nandun pa ang ex-bf niya at magtalo na naman sila, pero huwag na daw. Baka daw kasi masyado kaming gabihin sa pag-uwi at mahirapan akong gumising bukas para sa pagpasok. Wala na rin daw doon ang ex niya sa dati naming tinutuluyan kaya kung gugustuhin daw namin ay pwede na kaming bumalik doon. Alsa balutan na naman?

Hindi ako sumagot. Ayoko na. Kung nung una at parang atat na atat akong bumalik ng Maynila, ngayon ay ayoko na muna. May mga kaibigan na ako dito... sila Ruth, Gab at Ian. Malapit na rin ako sa grupo nila Alex. Sinubukan kong isama minsan si Ruth sa canteen upang makasama sila pero hindi na naulit. Mas gusto pa rin daw niyang kumain sa labas, sa tambayan namin. Naiintindihan naman nila Alex kung meron nga lang daw espasyo pa roon ay sasama rin sila.

Hapon na ng magtext si Ruth na magkita kami sa court sa plaza at manonood kami ng basketball. Nandun daw si Gab at panoorin naming maglaro. Nagmamadali akong nagbihis nang malaman ko. Excited akong makita si Gab na naka-jersey habang naglalaro ng basketball!

Natagalan akong maghanap ng isusuot. Maglo-long pants ba ako o shorts lang? Tinignan ko isa-isa ang mga shorts ko. Napangiwi ako ng makitang puro ito maiiksi. Naisip ko na ayaw ngapala ni Gab ng masyadong maiksi ang shorts. Nagsuot na lang ako ng capri pants at sneakers para mas sigurado. Napangiwi ako sa itsura ko. Hindi ako sanay sa ganitong pananamit.

Nagmadali akong maglakad papuntang plaza. Nakita ko kaagad si Ruth ng makarating ako doon. Tuwang-tuwa siyang kumaway sa akin ng makita ako. Tumabi naman ako sa kanya, sa upuan na nireserba niya para sa akin. Nasa 2nd quarter na ang laro ng dumating ako. Sayang at hindi ko pala naumpisahan. Mukhang magaling si Gab sa basketball, siya ang scorer ng team nila. Nakakakilig na lahat na lang ay kaaya-aya sa kaniya. Half-time break ng lumapit si Gab sa puwesto namin. Pilit kong pinipigilan ang aking kilig. Kinuha niya ang towel na nakapatong pala sa hita ni Ruth, hindi ko napansin na hawak na pala niya ito kanina pa.

"Hi, Brianna. Mabuti nakahabol ka," bati niya sa akin habang hinihingal. Napaayos ako ng upo. Para akong lumulutang ng maisip ko na maraming sumisigaw na mga babae kanina kapag si Gab ang nakaka-shoot ng bola. Marami siyang tagahanga sa lugar na ito. Grabe ang kilig ko na pilit ko talagang pinipigilan.

"Oo nga eh. Mabuti nakahabol ako," nakangiting sagot ko naman. Pilit kong pinapalabas na normal ang boses ko. Chill na chill pero deep inside ay nagwawala sa kilig.

"Nalipat kasi ang schedule ng laro nila, mas napaaga, sorry," bulong naman sa akin ni Ruth.

"Bakit ka nagsosorry?" tanong ko sa kaniya habang natatawa. "Hindi mo naman kasalanan 'yun. Ikaw ba ang nagbago ng schedule?" biro ko sa kaniya.

Natawa din siya sa sarili niya. Nalaman ko na ang coach pala ng team nila Gab ay ang daddy ni Ruth, kaya maaga pa lang ay nandito na siya.

Nang matapos ang game ay sabay-sabay na kami sa paglalakad pauwi. Madilim na sa daan pero masaya pa rin kasi syempre kasabay namin si Gab. Ngayon ko lang naobserbahan ang malamyos na pagsasalita at pagtawa ni Gab. Masarap itong pakinggan. Naimagine ko habang kausap namin siya ni Ruth kung paano kaya siya bilang boyfriend. Ang feeling na naglalakad kami kagaya nito pauwi sa bahay na kaming dalawa lang. Ang nakaakbay siya sa akin habang nagkukwento ng mga kalokohan niya noong kabataan pa siya. Tinignan ko ang height agad ni Gab, bagay kami. Mas mataas siya sa akin kaya tamang-tama lang kung sakaling aakbayan niya ako... pero mukhang mas matangkad sa kaniya si Ian, naisip ko. Huh? Ano namang kinalaman ni Ian sa imagination ko? Namumula na yata ang pisngi ko sa mga iniisip ko. Lalong nadadagdagan ang pag-init ng mukha ko habang nag-uusap-usap kami, mabuti na lamang at madilim ng bahagya sa daan. Napangiti ako. Mauunang madadaanan ang bahay ko kaya feeling ko ay parang hinatid na rin niya ako.

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon