Kabanata Sampu

100 21 7
                                    


"Damn you and your moves, Ian. Akala mo ba hindi ko nakitang ginawa mo 'yan sa hallway doon sa babaeng kasama mo kanina? Hindi 'yan uubra sa akin." Inirapan ko siya saka nagmadaling lumakad palayo na sa kaniya.

"Really?" tanong niya habang natatawa sa likuran ko.

Nilingon ko siyang muli at pinanliitan ko siya ng mga mata. Hindi naman siya natinag kundi natawa pang lalo sa akin. Napangiwi ako sa kaniya saka tumalikod ulit. Ang feeling! Nang napansin niyang tumalikod na ako, hinabol naman niya ako.

"Ang lakas mo talaga mang-trip, ano?" tanong ko ng hindi nakatingin sa kaniya pero alam kung sumusunod. Naririnig ko pa ang pagpipigil niya ng tawa sa likuran ko.

"Can I fetch you later?" tanong niya na ikinagulat ko pero ang dating sa kaniya ay parang wala lang naman iyon. Ayan na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tumikhim ako para kontrolin ito. Bakit ganito?

"Bakit? May kasabay na ako mamaya sa pag-uwi," sagot ko naman sa kaniya. Pero ang totoo ay wala dahil ihahatid ni Alex ang girlfriend niya. Natigilan si Ian. Ngumuso siya at hindi na umimik sa tabi ko.

"The guy from last night?" tanong niya ng hindi na yata makatiis. Ayaw kong sumagot para hindi na madagdagan pa ang usapan. "I know him," maya-maya ay sabi nito sa akin.

"Sino?" nagtatakang tanong ko.

Tinignan lang niya ako na parang alam naman niya na alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"Alex... and his girlfriend," nahihiyang sabi niya sa akin. Napakamot pa siya sa batok niya.

Hindi ko napigilan ang pagtaasan siya ng kilay at mapanganga sa sinabi niya. What?

"Since high school. Here," sagot niya habang ang hintuturo ay nakaumang sa lupa. Ang ibig niyang sabihin ay noong high school pa niya sila kilala at dito rin sa BSU. "We're just a few years ahead of them."

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Eh, di wow. Malapit na kami sa classroom kaya kinuha ko na sa kaniya ang hawak niyang sketchpad.

Nasa may pinto na ako ng magsalita siyang muli.

"No. Seriously, I know him. If he's courting you, dump him already," seryosong sabi niya sa akin pero maya-maya lang ay ngumisi ito. "Besides," sumilip siya sa loob ng room, "I know his type. He's really not into you, he's more into morena. Just like his girlfriend right now. Hi! Alex!" Tumango siya habang nakatingin sa likuran ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita si Alex na nakatingin lang sa kaniya.

What the hell? Gusto kong matawa dito kay Ian. Kung anu-ano na ang pinagsasabi tungkol kay Alex samantalang wala namang kamalay-malay 'yung tao. Sabagay kasalanan ko rin pala kasi ginamit ko pa siyang dahilan kanina.

Nilapitan ko siya at binulungan. "Sira. Paano naman magkakagusto sa akin eh may girlfriend na nga, 'di ba? Judgmental ka," sabi ko ng buong gigil. Ipinagdiinan ko sa kaniya ang mga huling sinabi ko. Natawa naman ito ng malakas kaya ang mga kaklase ko sa loob ng classroom ay napatingin sa gawi namin. Nang tumigil siya sa pagtawa ay tumikhim muna siya bago lumapit din sa akin.

"That, you don't know, Anna. There are men out there who still fall with someone even if they're already taken," mahinang bulong niya malapit sa tenga ko. "Especially if that someone is you."

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon