Kabanata Lima

110 16 2
                                    


Nasa bahay lang ako ngayon. Walang pasok, may bagyo kasi at suspended ang mga klase hanggang college. Kaya lang ay hindi pa umuulan, ngunit mahangin at makulimlim na. Naisipan kong lumabas ng bahay dala ang mga gamit ko na pang-drawing. Naupo ako sa sementadong hagdanan namin. Hindi naman ako mauulanan kung sakali dahil sa may bubong ito.

Tiningala ko ang mga malalakinng puno sa harap ko at nagsimula akong gumuhit. Pabalik-balik ang tingin ko sa mga dahon habang isa-isang ginuguhit ko sila sa papel. Bawat detalye ay mataman kong inaanalisa. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil ako, nagsawa ako. Tinignan ko ang sketches ko. Hindi ito ang gusto kong iguhit. Bigla kong naalala ang mukha ni Gab. Napangiti ako at pinalitan ang papel na ginamit ko at sinimulan ko siyang iguhit mula sa pagkakaalala ko. Sinadya kong buhayin ang kanyang mga mata, iyon ang paborito ko sa mukha niya kaya medyo natagalan ako sa pagguhit niyo. Nang magtagal ay tinitigan kong mabuti ang ginuhit ko. Napangiti ako ng makuntento na ako sa detalyadong pagkakaguhit ko ng mukha ni Gab. Banayad na hinagod ng mga daliri ko ang mata at ilong niya. Nagulat ako ng may tumikhim sa gilid ko.

"Nice," narinig kong sabi ng may baritonong boses ng isang lalaki. Tinakpan ko kaagad ang iginuhit ko sa isip na baka si Gab ito.

Pagkaangat ko ng tingin ay si Ian lang pala. Nakatingin siya sa papel na hawak ko. Ang kanyang ngisi ay parang nang-aasar na naman. Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa niya dito? Mabilis kong nilagay sa dibdib ko ang sketch pad na hawak ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Tumayo ako para sana pumasok na ng bahay namin. Balak ko talagang iwanan siya doon. Hiyang-hiya ako na nakita niyang ginuhit at tinititigan ko ang mukha ni Gab.

"Watching you draw. Is this your place?" tanong niya at umangat ang tingin niya sa bahay namin.

"Hindi," simpleng sagot ko, "nakikiupo lang ako dito."

Ngumisi naman siya.

"You're really good," sabi niya. Ang kanyang nakakainis na ngisi ay hindi na nawala. Gustung-gusto ko itong burahin sa mukha niya!

"Duh? Kaya siguro Fine Arts," sarkastikong sagot ko sa kaniya na sinabayan ko ng irap. Prente namang nakasandal ang kanang balikat nya sa balustre ng hagdanan namin at nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib niya. Hindi pinansin ang pagtataray ko. Sa halip ay parang mas ikinatuwa pa niya ito. Nginitian ako habang tahimik na nakatitig lang sa akin.

"I know some FA students, but they're not as good as you," seryoso ngunit nakangiting sabi niya. Pagkatapos noon ay nakipagtitigan siya sa akin na parang sinusukat kung ano ang magiging reaction ko sa sinabi niya.

Tinitigan ko rin siyang mabuti pabalik. Parang naninibago ako sa kaniya. Parang may biglang nagbago sa mukha niya. Nawawala naman pala ang angas ng mukha nito kapag nakangiti. Tila isang maamong mukha ng anghel na nagtataglay ng ugali ng isang bully. Hmp. Sa isip ko ay iginuguhit ko na sa papel ang bawat detalye ng mukha niya. Mula sa malamlam niyang mata na parang may tinatagong lungkot, ewan ko pero ganun ang naramdaman ko sa mga titig niya. Hindi umaabot sa kaniyang mga mata ang ganda ng kaniyang ngiti. Dumako ang mata ko sa makapal na kilay at mahabang pilikmata niya, sa matangos na ilong at manipis na natural na mapupulang labi. Umangat ang mga mata ko sa kulay brown niyang buhok. Pumikit ako pagkatapos ay bumuntong-hininga. Kung hawak ko lang ang lapis ko ay natapos ko na siyang iguhit.

"Why?" tanong niya sa akin.

"Wala." Mabilis na iniwas ko sa kaniya ang mga mata ko. "Sabi ko anong ginagawa mo dito sa amin? Saan ka ba nakatira? Bakit nandito ka?" sunud-sunod na tanong ko.

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon