Kabanata Siyam

99 20 5
                                    


Masyadong hectic ang mga schedule ko these past couple of weeks! Hindi pa rin ako sanay sa sunud-sunod na plates, homework and reporting. Ganito pala kapag college na. Sumasabay pa ang palaging pagpapaalala sa akin ng dean, kung ano ang piece na gagawin ko para sa drawing competition. At nariyan pa ang pagrereview ko para sa midterm exams.

Ang totoo ay sa competition ako pinakanai-stress, dapat pala ay hindi na lang ako pumayag na sumali. Sponsored ang competition ng isang bagong itatayong cell network dito sa Batangas and they will fund the entire competition until the regionals. Wala pa akong maisip na concept ng design para sa mural na gagawin, na kapag nanalo ay ilalagay ito sa harap ng building nila at cover sa brochures para sa nasabing company. Pagkatapos pa nun ay idedefend ko pa sa mga high ranking officials ng network ang design ko. Hindi ko yata kaya 'yung ganoong ka-strenuous na laban. Sana pala ay hindi na lang ako pumayag. Ang laki ng pagsisisi ko ngayon.

Palagi tuloy akong nakatambay sa library nitong mga nakaraang araw, lalo na kapag breaks para maghanap ng pwedeng materials para doon. Isa pa itong Math na pahirap din sa akin. Pinakiusapan ko na nga si Alex na baka pwedeng turuan niya ako kaya nandito kami ngayon sa library para mas makapag-concentrate ako. Isang oras na kaming nagbubulungan dito sa pinakadulong table para hindi kami makaabala sa iba.

Obviously, hindi na ako nakakasabay kila Ruth sa lunch at pag-uwi. Pag-uwian kasi ay bumabalik din ako rito sa library para mag-practice para sa competition. Mas sanay akong mag-sketch kapag tahimik.

"Brianna, nakuha mo ba?" tanong sa akin ni Alex na kanina pa pala nagpapaliwanag. Tumango naman ako, kahit papano ay naiintindihan ko naman. Napapakamot naman siya sa noo, mukhang hindi naniniwala.

"Oo nga, na-gets ko na. Bigyan mo ako ng problems para malaman mo," sabi ko pa habang nakangiti.

Naramdaman kong kumalam ang sikmura ko, hindi pa kami bumababa para mag-lunch. Mukhang si Alex ay ganun din. Nakakahiya man pero talagang kailangan ko magpaturo, ayaw kong bumagsak at mag-summer, may prerequisite kasi ito sa second sem. Kapag hindi ako pumasa ngayon hindi ko makukuha ang subject na 'yun. Baka maging irregular ako. Ayokong magkahiwalay kami ni Ruth.

"Uhm... Alex? Gutom ka na ba? Nagugutom na kasi ako. Gusto mo bang bumili ako saglit ng maski sandwich lang sa canteen?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang tiyan ko.

"Oo eh. Okay lang ba? O kaya ako na lang ang bababa para bumili," sabi niya na astang tatayo na.

"Naku, ako na. T'yaka habang ginagawa mo rin 'yung mga problems. 'Yung madali lang ha," pagbibiro ko. "Ano nga palang sandwich ang gusto mo?"

Tumayo na ako ng makuha ko na ang wallet ko mula sa bag ko.

"Kung ano na lang ang bibilhin mo ganun na rin sa akin," sagot niya.

"Sige," sabi ko. Nang astang aalis na ako ay inabutan niya ako ng pera. Tinaas ko ang kamay ko at umiling sa kaniya. "Ako na! Tinuturuan mo na nga ako tapos ikaw pa ang manlilibre."

"Ha? Eh... H-hindi. Akin lang 'yan, Brianna. Bayad ko sana," nahihiyang sagot niya habang nagkakamot ng ulo.

"Hay naku, huwag na. Ako na ang bahala. Tapusin mo 'yang problems para pagkatapos natin makabalik na tayo ng classroom. May isang oras pa. Siya ngapala, ihahatid ka namin ni mommy mamayang uwian ha," sabi ko sa kaniya ng nakangiti. Napapansin ko kasing naiilang pa rin sa akin si Alex.

"Nakakahiya naman. Malayo pa ang amin tyaka liblib na doon."

"Eh 'di mas lalo palang dapat ka naming ihatid ni mommy," sabi ko habang nakangiti pa rin sabay talikod na para lumabas ng library.





DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon