Kabanata Labing-lima

128 21 7
                                    


Unang araw ng sumunod na linggo ay maaga akong nagpahatid kay mommy sa university. Naisip kong abalahin ang sarili ko sa pagguhit habang wala pa akong klase. Kailangan kong libangin ang sarili ko kung gusto kong maging normal ang mga araw ko magmula ngayon dito sa BSU.

Tumambay ako sa bleachers. Doon sa lugar kung saan walang ibang makakakita sa akin, maski na ang anino ko ay hindi matatanaw ng kahit na sino, except kay manong na nagwawalis sa ibaba lang ng puwesto ko. Sa pinakasulok na parte ng mga baitang-baitang na mga upuan ako nakakita ng magandang pwesto.

Nang nasa kalagitnaan na ako ng pagguguhit ay biglang napapikit ako ng maalala ko na kaklase ko nga pala ngayong araw si Hannah sa Physics. Parang bigla akong naduwag. Gusto kong mag-cutting na lang sa subject na 'yun. I-drop ko na lang kaya? Nailing ako sa iniisip ko, tiyak na magagalit sa akin si mommy kapag ginawa ko iyon. Maayos niya akong sinabihan kanina habang papunta rito na ipakita ko sa lahat na matapang at malakas ako, kahit na wala pa akong kinukwento sa kaniya. But knowing mommy, sa dami na ng pinagdaanan niya, alam na niya ang iniisip ko.

Nakaisang oras na akong gumagawa ng mga sketches ng marinig kong tumunog na ang bell sa malayo para sa buong university. Hudyat na ito para sa unang klase namin ngunit wala pa rin akong balak na tumayo. Tinignan ko kung gaano kalayo ang kinauupuan ko sa building kung saan naroon ang classroom namin. Male-late na talaga ako kung hindi pa ako kikilos ngayon.

Wala sa mood akong tumayo para pulutin isa-isa ang mga gamit ko. Naisip ko na malalagot talaga ako kay mommy kapag hindi ako pumasok. Ang aga-aga ko pa naman siyang ginising kanina para ihatid ako dito. Bahagya kong binilisan ang lakad ko para hindi na ako gaanong mahuli sa klase.

Humahangos ako hanggang sa lobby. Paliko na ako papunta sa hagdanan ng bigla akong napahinto. Muntik ko pang mabangga sa pagmamadali si Gab. Nanlaki din ang mga mata niya ng makita ako. Nginitian ko siya. Mayroon sana siyang sasabihin ng kumilos ako kaagad para tahakin na ang hagdanan.

"Sorry," sabi ko na lang at binilisan ko na naman ang pagtakbo paakyat.

Napakalaking malas ko pa talaga. Holy shit. Eksakto namang nasa labas pa si Hannah at kausap si Ian sa hallway. Parang mas gusto kong biglang maglaho na lang na parang bula o kaya ay lamunin ng lupa kaysa dumaan sa harapan nila. Magkahawak pa ang mga kamay nila.

Nilakasan ko ang loob ko nang lumakad ako papalapit sa kanila. Pareho ko silang hindi tinignan pero kumabog pa rin bigla ang dibdib ko ng pumasok sa isip ko na baka naman nakatingin sa akin si Ian ngayon. Umaasa pa rin ang puso ko. Eto na naman siya ko na parang nagkakarera sa bilis ng tibok nito. Parang gusto pa yatang tumalon palabas para batiin si Ian ng good morning!

Napansin ko namang lumingon si Hannah sa akin. Natigilan siya ng kaunti at nakita kong pasimple niya akong hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa bago siya umismid sa akin.

What. The. Hell. Really, girl?

"Hi, Brianna. Late ka," masayang bati niya sa akin. Masyadong masaya ang pagbati niya na parang nagpainit lang ng ulo ko. Alam at ramdam ko na kilala na niya kung sino ako, pinaplastik niya na ako ngayon.

Tumango at ngumiti ako sa kaniya saka pumasok sa loob ng classroom. Tiyempo naman at wala pa ang prof pero hinangad ko rin na sana ay nandito na lang pala. Napansin ko si Ruth na parang gusto akong batiin. Nginitian ko naman siya at tumango, pero yumuko pa rin ako at dere-deretso lang ako sa upuan ko. Hindi ma ako lumingon sa gawi niya. Inabala ko ang sarili para ilabas ang textbook at notebook ko. Nang matapos ako ay nagulat ako ng makita ko na nakatayo na sa harapan ko si Ian. Bigla akong natigilan. Parang may sumuntok sa akin at nawalan ako ng hangin sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Napatingala ako sa kanya. Fuck this. Nandito si Hannah, hindi ba?

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon