Kabanata Walo

37 6 3
                                    


"Tell me about yourself," sabi ko kaagad kay Ian nang makahanap kami ng upuan sa Starbucks. He's having his green tea latte and blueberry cheesecake while I'm only having hot caramel macchiato.

Gusto ko muna siyang kulitin bago kami umuwi. Naiintriga talaga ako sa biglang pagbabago ng mood niya kanina sa Timezone. Sa tingin ko ay hindi dahil 'yun sa pag-iwan ko sa kaniya at paglapit ko sa grupo ng mga lalaki kaya bigla siyang nanahimik. Walang sense para iyon ang maging dahilan. I think there was something more to it.

"You already know a lot about me," seryosong sabi niya.

"Oo nga, pero 'yun lang 'yon and most of them were from Gab pa. Well, I know you're from San Juan, Batangas and from IS, but nothing more. I'm intrigued by you," sabi ko sabay ngiti sa kaniya. "May girlfriend ka na?"

Bahagyang umangat ang isang gilid ng labi ni Ian habang nakatingin sa akin. Sumandal siya sa upuan saka yumuko pagkatapos ay tinignan akong muli. Alam kong pinipigilan niya ang ngumiti ng todo.

"I refuse to answer that," ang sagot naman niya. Nanlumo ako pagtapos. Napakahirap talaga niyang pagkwentuhin.

"Why? Is it too personal?" nanghihinayang na tanong ko.

Ngumuso siya saka umiling.

"Wait," sabi ko at kinuha ang Powercard niya sa loob ng bag ko. Nakalimutan ko nga palang isoli ito sa kaniya kanina. Umiling kaagad siya. "Keep it," sabi niya ng matanto kung ano ang hinahanap ko.

Umiling din ako.

"Huwag. Ayoko. Hindi naman ako mahilig sa arcade," sabi ko.

"That's a first," natutuwang sabi niya. Pinatong ko ang card sa table pero hindi niya ito kinuha. Napansin  kong bahagyang nawala ang ngiti niya ng titigan ito, pagkatapos ay tumingin sa akin at ngumiting muli.

"Bakit dalawa ang Powercard mo?" Hindi ko mapigilang itanong sa kaniya saka ako ngumiti. "Sa girlfriend mo 'yan, 'no?"

Nagkibit-balikat siya. "Used to, but I bought it," seryosong sabi niya.

""Oh, see? Tapos binibigay mo sa akin," sabi ko habang nakanguso. Maya-maya ay mabagal na kinuha niya ang Powercard at sinuksok iyon sa isa sa slots ng wallet niya. Naalala ko tuloy ang nahulog na litrato mula roon kanina.

"May nahulog ngapalang picture d'yan kanina," sabi ko habang iniihipan ng kape ko.

Bigla siyang tumingin sa akin.

"Pinulot ko naman. Binalik ko rin," depensa ko. Hinihintay ko siyang sumagot. "Girlfriend mo?" pangungulit ko.

Lumawak ang ngiti niya saka umiling. "Why are you suddenly interested with my lovelife?"

"Wala naman. Napaka-mysterious mo kasi. Minsan pakiramdam ko malungkot ka. Brokenhearted ka ba?" tanong ko habang pinaglalaruan ang froth sa ibabaw ng kape ko.

"My mom," sagot niya habang natatawa.

"Huh?" nagtataka kong tanong. Tumingala ako para tignan siya, ang mga mata naman niya ay nasa kamay ko na abala sa paghalo ng kape.

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon