Kabanata Labing-apat

114 21 6
                                    


Nagtaka si mommy pagdating ko ng bahay. Bakit daw napakaaga ko, may sakit daw ba ako. Bakit daw matamlay ako. She was asking so many questions but I did not answer. Naririnig ko siya pero parang walang sense lahat ng tanong niya kaya hindi ako sumasagot. Dumeretso ako sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama habang nakatitig lang sa kisame. Naghahanap ako ng dahilan kung bakit ganun ang nangyari. Kung bakit kailangang paasahin ako ng ganito ni Ian. May kasalanan ba ako sa kaniya? May galit ba siya sa akin?

Hinawakan ko ulit ng mahigpit ang blouse ng uniform ko, halos mapigtas na ang mga butones nito sa higpit ng pagkakahawak ko. Masakit talaga sa dibdib. Parang aatakihin yata ako sa puso sa sobrang sakit. Parang mamamatay na ako. Ganito pala ang pakiramdam. Doon lang tumulo ang mga luha ko nang walang puknat. Masyado pa akong bata para makaranas ng ganito. Dalawang beses akong nasaktan pero sobrang sakit ng pangalawa.

Niloko ba talaga ako o ako lang ang umasa? Deserve ko ba ito? Ang sabi niya ay gusto niyang malaman kung ano ang nararamdaman niya sa akin. Nadismaya kaya siya? Sobra ba ang arte ko? Alam kong maarte ako pero hindi naman yata ako sumusobra.

Napailing ako. Ke nadismaya pa siya o hindi, mali pa rin na pinaasa niya ako... May girlfriend na npala siya!

Naupo ako sa sobrang galit. Tahimik akong humahagulgol. Gusto kong sumigaw pero hindi pwede baka marinig ni mommy. Lumalabas mula sa isip ko ngayon ang mga frustrations ko sa buhay na dati ay hindi ko na pinapansin. Lahat na yata ng kamalasan nasa akin. Wala akong daddy dahil iniwan niya si mommy. Hindi siya nakuntento at naghanap ng ibang babae. Mukhang namana ko pa yata ang parteng 'yun kay mommy, ang palaging iniiwan. Pero hindi, kontra ng isip ko. Si mommy minahal siya ni daddy, ako hindi kasi kung mahal ako ni daddy, hindi niya ako iiwan. Hindi niya iiwan si mommy.

Hindi ko mapigilang humikbi. Naaawa ako sa sarili ko at kay mommy. Naramdaman kong tuluy-tuloy na tumutulo ang mga luha ko.

Ang alam ko mabait naman kami. Huwag na si mommy. Ako, mabait talaga ako. Marunong ako makisama. Alam ko kung hanggang saan lang ako. Pero bakit ganun? Parang nahihirapan silang pakisamahan at pahalagahan ako ng tama?

Napakunot ang noo ko ng maalala ko si Ruth. Akala ko totoong kaibigan ko na, hindi pa pala dahil maski sa text o tawag ay wala man lang siyang nabanggit sa akin. Sa San Juan, wala akong mga kaibigan na naging permanente. Lahat iniwan ko pero hanggang ngayon ay kinukumusta pa rin nila ako sa social media. Hindi sila nagtanim ng sama ng loob sa akin. Napailing ako. Doon sa Manila ay ako ang lumalayo, dito mukhang ako ang nilalayuan. Akala ko ngayon iba na. Iba dito sa Batangas. Akala ko kapag sa probinsya, mas simple ang mga tao rito, mas madaling pakisamahan, mas magaling makisama at hindi sila namimili. Mali pala ako.





Narinig ko na lang na kinakatok ni mommy ang pintuan ng kwarto ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Ang tagal bago ako nahimasmasan. Akala ko ay madaling-araw na dahil nag-uumpisa ng magdilim sa labas.

"Brianna?"

"Wait lang, 'my," sagot ko. Gumaralgal ang boses ko sa paos. Matindi ang iyak ko kanina. Napakabagal kong tumayo, parang nawala ang lakas ko. Magkakasakit pa yata ako. "B-bakit, 'my?" tanong ko kay mommy ng mabuksan ko ang pinto ng bahagya.

Nagmamadali siyang pumasok sa kwarto ko at agad na isinara ang pinto sa likuran nya. Pabulong siyang nagsalita pagkatapos.

"May mga kaibigan kang nasa sala. Ano ba ang nangyari talaga? Bakit ang aga mong umuwi kanina?" nag-aalalang tanong n'ya.

"Wala 'yun, 'my. Sumama lang ang pakiramdam ko," sabi ko. Tumingin ako sa salamin saka inayos ang sarili ko. "Sino daw sila?"

"Sila Gab at Ruth daw."

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon