Kabanata Apat

121 18 2
                                    


Absent si Ruth. Nagtext siya sa akin na may pupuntahan sila ng daddy niya. Now spending the day in school without her is really boring. Na-realize ko tuloy na mahirap pala mag-isa. At mas lalo ko rin narealize na kailangan ko ng isa pang kaibigan para naman may kapalit kapag wala siya. Natawa ako sa sarili ko dahil sa iniisip ko.

Naglalakad ako sa gilid ng football field dala ang sandwich at Coke in can na binili ko sa canteen nang matigilan ako. May nakaupo na sa table na sana ay pupuntahan ko. Lalayo na sana ako ng makita ko na si Ian lang pala. Mag-isa lang din yata siya. Sinubukan kong umatras na lang ulit pero naisip ko na mahirap kumain mag-isa. Tutal oras naman talaga ng break time namin, meaning, oras ng tambay namin ngayon dito.

"Paupo," sabi ko. Hindi na ako naghintay na paupuin niya ako. Umupo na kaagad ako sa kabilang upuan na madalas na inuupuan ni Ruth kapag kaming dalawa lang. Pati pa pala ang paborito kong pwesto ay inokupa niya. Ngumiwi ako. Wala kasing puno sa likod na masasandalan ang upuan na ito.

Hindi naman siya umimik. Deretso pa rin siya ng pagkain ng sandwich niya. Napansin kong pareho na naman kami ng inorder.

Binuksan ko na ang sandwich ko para kumain na rin, tinignan niya ito pero walang sinabi.

"Kain," simpleng alok ko sa kaniya pero hindi ako nakatingin.

"Thanks. You can sit here, I'm done," sabi niya sabay tayo. Dere-derecho siyang umalis na hindi man lang nagpaalam sa akin. Kumunot ang noo ko habang ngumunguya.

"Bastos talaga," bulong ko sa sarili ko.

Lumipat kaagad ako sa upuan na inupuan niya kanina. Mas mabuti at makakapagpahinga ako habang nakatambay ako mag-isa dito. Inilapat ko ang likod ko sa puno na madalas na sandalan ko kapag nakaupo ako dito. Tumingin ako sa football field, nakakasilaw ang liwanag ng araw sa mga tuyong damo nito.

Naalala ko tuloy si Ruth. Wala akong makausap. Bigla kong naalala na wala nga rin palang kasama si Ian kanina. Absent din kaya si Gab? Sayang at hindi ko naitanong. Pero mabuti na rin, kay Gab ko na lang ako magtatanong at least may dahilan ako para kausapin siya kapag nagkita kami.Paano pala kung biglang dumating siya dito ngayon? Inayos ko ang upo ko. Baka mamaya nga ay biglang dumating si Gab.

Nilabas ko ang mga gamit ko at ginawa ko muna ang homework sa Calculus. Mabuti ng makita ni Gab na uliran akong estudyante kesa nakatambay lang dito pagdating niya. Napangiwi ako pagkakita ko sa problem. Ang hirap naman nito!

Hindi ko alam kung paano mag-uumpisa. Napakahirap pala talaga nito! Madalas ay  magkatulong kami ni Ruth sagutan ito kaya kahit papano ay nakakasagot ako. Ngayong araw malamang zero ako.

Inabot ako ng halos isang oras bago ako natapos. Isa-isa kong kinuha ang mga gamit ko para umakyat sa room. Umasa ako na baka dumating si Gab, pero umalis na rin ako ng biglang dumilim ang kalangitan. Mukhang uulan pa kaya nagmamadali akong umalis doon.

Pagdating ko sa classroom, nagulat ako. Wala pa ang mga kaklase at madilim pa ang kwarto. May nakaupo na naman sa upuan ko. Si Ian na naman! Pambihira naman. I rolled my eyes at him. Lumapit ako at tumayo sa tabi niya.

"Excuse me, kuya," sabi ko na hindi naman niya pinansin. Naalala ko ang tawag ko sa kaniya noong una ko siyang maabutan dito sa ganito ring sitwasyon kaya inulit ko. Gusto ko lang din ipaalala sa kaniya na pangalawang beses na ito. Wala ba siyang klase? Ilang segundo muna akong nanahimik, hinihintay siyang tumayo. Nang mukhang hindi talaga siya tatayo ay kinalabit ko ang balikat niya. Lumingon siya sa akin ngunit umangat lang ang mga kilay niya na parang nagtatanong kung ano ang kailangan ko sa kaniya. Mukhang ako pa ang nang-iistorbo ah.

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon