Ikatlo

4K 129 6
                                    

--Bratty--

Hindi ko alam kung makapal lang ba ang mukha o talagang manhid lang talaga ang ulupong na nasa harap ko habang sarap na sarap sa pagngasab ng mga pagkaing pinaghirapang ihanda ng butihin kong mommy.

Isn't he has his own home?

Masyadong at home sa pamamahay namin eh.

"What brings you here anyway?"

I said, trying to hide the irritation towards this guy whom I am talking to.

"Binibisita ka?" Sabay ngising aso. Kung dati binabalot ako ng ilang sa presensya niya ngayon binalot na ito ng purong iritasyon.

"Ano ako patay para bisitahin mo?" Nagtaas pa ako ng kilay sa huli.

"Haha. Pero malay natin. Soon, maging patay na patay saken." Okay akala ko sadyang makapal lang siya, binagyo din pala ng kahanginan. Sarap isupak nitong kinakain kong hotdog sa kanya.
Inirapan ko na lang siya at di na pinansin pa.

"Pwede dahan-dahan sa pagkain ng hotdog, masakit kasi sa paningin." Hindi ko napaghandaan ang pagbigkas niya ng mga kasumpa-sumpang mga salita kung kaya't nasamid ako.

I grab a glass of water and drink it without further notice but sadly lalo lang akong nasamid.
Namalayan ko na lang na itinayo ako ni ulupong, niyakap patalikod at pwersadong piniga ang tiyan ko.

Napaubo ako ng ilang beses matapos mailuwa ang pagkaing muntik ng kumitil ng buhay ko. Habol-habol ko ang hininga ko habang di pa bumibitaw si ulupong ng yakap saken.

Sasabihan ko na sana siyang bumitiw saken ng dumating si mommy.

"Anak, anong---Hala siya!" Si mommy sabay napatakip ng bibig. Agad akong humiwalay kay ulupong dahil sa pagkabigla.

"Pumunta lang ako ng garden para bisitahin ang bagong tanim kong flowers tapos ganito. Anak, san ba ako nagkulang?" Napatampal na lang ako ng mukha sa mga pinagsasasabi ni mommy.

"Mommy it was just--"

"Ganito po yan Mam--"

Naputol ang pagsasalita ko dahil nagsabay kami ni ulupong.

"Nabulunan po kasi ako---"

"Tinutulungan ko lang po---" Naputol ulit ako ng magsabay kami.

"Hindi kinaya ng tubig kaya--"

"Pinipisil ko po yung tiyan para---" Naiinis na ako ha.

"Teka, teka lang kasi. Pwede isa-isa lang. Duet kayo palagi eh hindi ito contest paliwanag lang ang kailangan ko." Iimik na sana ako to explain ng hawakan ni ulupong ang braso ko, upang pigilan ako? At siya na ang nagsalita.

"Mam I just made the fastest and the most effective way to help Bratty kasi po nabulunan siya. Yun po yung eksenang naabutan niyo po, Mam." Wow, polite naman po pala. From makapal to mahangin to bastos, biglang galang si ulupong.

Kinikilabutan din ako sa paghawak niya sa braso ko kung kaya't I harshly pull it away.

"Okay, okay, naiintindihan ko na. Akala ko lang kasi, I nevermind. Anyways, iho scratch the "mam" instead call me tita. Tita Brenda or mommy if you insist."

"Naku tita na lang po mam, este tita." Sabay natawa pa sila. Okay O.P. is me.

Humayo na lang ulit ako sa lamesa at tinuloy ang pagkain.

A little later ay sumunod na rin ang dalawa.

Kain lang ako ng kain na para bang wala akong paki sa mundo.

"Uhm, Fredrick iho, what brings you here pala?" 

Pagsisimula ni mommy. Bala kayo d'yan, kakain lang ako.

"May kinuha lang po ako na important documents." Tamo, chinacharot-charot nga lang ako ni ulupong nung sinabi niya na binibisita niya ako. Paasa!

Umasa ka naman?

Sino yun? Hoy, excuse me, it is a big NO! 

Slight -_-

"Oh then bakit nandito ka pa baka kailangan na yan ng Boss mo?"
Ayan nga mommy! Palayasin mo na yan dito!

"Maaga pa naman po eh." Sabay tingin niya sa relo niya.

"Tsaka may dinaanan din po akong espesyal." Sabay tumingin siya sa may bandang pwesto ko.

Assume much?

Hindi noh, alangan naman kasing dun sa pigurin siya nakatingin.

"Ano naman yon iho. Nililigawan mo ba?" Sabay ngisi ni mommy at nanunuksong tumingin sa akin.

Binigyan ko naman si mommy ng what's-with-the-look-mommy look. Pero lalo lang ito ngumiti at parang nagniningning pa ang mga mata. So creepy ha.
Pagharap ko naman ay nakita kong mataman na nakitingin sa akin si ulupong.

Tinaasan ko na lang ulit siya ng kilay. 

Nabigla naman ako ng kindatan ako ng huli.

Tumungo na lang ako at sumubo ng sumubo ng pagkain upang pagtakpan ang namumula kong mukha. Sure akong mahahalata yun dahil maputi kulay ko. Iba talaga epekto ng lalaking 'to sakin and I like it, este i love it! I mean, ugh! Scratch that! Bwiset na ulupong ka!

This feeling inside me is getting worser. And it's really dangerous.
Baka matupok ako ng apoy kung subukan ko itong hawakan at yakapin, in the end, ako lang din malamang ang masasaktan.

I was taken a back and halos pawian ng hininga ng lumapit ang mukha niya at bumulong.

"Bratty honey, dahan-dahan lang baka mabigla ka ulit at mabulunan."

Ani ulupong sabay kagat sa tenga ko.

What the!

------------------------------------------------------

Phew. Nakapag-update-update ren.

-NOTA

Sundan....

Malaya ka na (GayxStraight) (Slow Update, College Na Eh!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon