Ika-labing-dalawa

1.8K 79 0
                                    

--Bratty--

I'd just came home from delivering my husband's lunch.
Ewan ko kung kakainin niya yun pero I'm sure that he'll not.

Iniiwan ko na lang yung pagkain sa pintuan kasi palagi na lang naka-lock ang pinto tuwing tanghali.

Halatang ayaw niya talaga akong papasukin!

This is my routine everyday, gigising ng wala na siya, kakain ng agahan mag-isa, ipagluluto at dadalhan siya ng baon, magluluto ng hapunan at hihintayin siya, pero umuuwi siya ng sobrang lalim sa gabi kaya nakakatulog din ako.

Halos hindi na nga kami nagkikita kahit nasa isang bubong lang kami eh...

Kung gaano kabilis naging kami, ganun kabilis din namang nagbago ang pagsasama namin.

Ito na ba ang parusa saken sa pagiging ganito ko? Bakla, salot, shokla, sirena, and everything?
Ito na ba ang parusa saken dahil di ako nag-aaral ng mabuti?

Ito na ba ang parusa saken na kahit minsan ay di nakaranas ng hirap?

O ito na ba ang parusa sa tulad kong masyadong mataas ang pangarap?

Ang pangarap ko lang naman...

Magkaroon ng asawang mabuti at mahal na mahal ako.

But I think hindi yun gustong ibigay saken ni Tadhana.

Haha. Bakit ba ako biglang naging senti?

Dapat siguro maglibang-libang muna ako eh noh?

San kaya maganda?

----------------------------

Nandito ako ngayon sa isang mall somewhere over the rainbow.
Anong agenda ko rito? Ano pa eh di ang favorite kong hobby! Ang magshopping!

Bili ng damit, shoes, make up kits, accecories, lahat! Lahat ng pampaganda at nakakaganda binili ko. Bumili na rin ako ng bagong phone. Thanks to my credit card talaga, I love you!

Currently, I'm here in the ground floor at naghahanap ng magandang summer outfit. Ang init na kasi!

Pero parang nawalan na ako ng gana...

Ikaw ba naman ang makita mong masayang kumakain ng lunch ang asawa mo kasama ang iba. Ang lakas ng loob mag-P.D.A. mga walang hiya!

I walked out bago pa ako makagawa ng pagsisisihan ko. Nagpunta na lang ako sa Arcade at naglabas ng sama ng loob.

KUNTODO ako sa paghampas sa whack-a-hoe at halos masira na ito. Pinigilan naman ako ng mga staff mula sa tuluyang pagdurog sa arcade game.

Sunod ko namang pinagbalingan ang coin dozzer. Halos gibain ko na ito sa paulit-ulit na pag-alog dito, atleast manlang tulad ko may MAHULOG na piso!

Okay corny yun. Pinalayas na naman ako ng mga pabidang staff! Kitang nagpapalipas ng sakit yung tao mahadera!

Kasunod ko namang binalingan ang basketball! Bato lang ako ng bato kahit kung saan-saan na tumatama at tumatalbog ang bola! Wala akong pakialam kung may bulag na matama---

"Aray!!!" Pagdaing ko ng tumama sa kaliwang mukha ko ang bola.

"Ang shaket-shaket. Huhuhuhu." Iyak lang ako ng iyak na parang bata habang nakaupo na para ring bata.

"Ayan kasi eh. Kanina pa yan, napaka-eksahedera, ang O.A. maglaro."

"Kung makapaglaro daig pang sinisilihan ang tumbong, parang ngayon lang nakapag-arcade kung umasta!"

"Hindi niya ba alam na nakakaabala at nakakairita siya. Parang tanga lang!"
Inirapan ko na lang ang mga hampaslupang nangiming lait-laitin ako.

"Hey you! What did you just called me?" Pagtawag ko dun sa tumawag sa'king tanga.

Malaya ka na (GayxStraight) (Slow Update, College Na Eh!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon