-Bratty-
HALOS manigas ako sa kinatatayuan ko pero pinilit kong abutin ang dalawang bata para hindi makita ang ginagawang 'milagro' ng dalawang ito.
'Hindi na nagbago, lampungan area pa rin nila ang office. Napaka-unprofessional.'
Ng magkahiwalay na sa wakas ang magkasugpong na mga labi ng dalawa.
Saka lamang nila napansin ang presensya naming tatlo.
Kita kong nanlaki ang mata ni Fredrick– dahil sa hiya? Pero agad ding nawala yun at napalitan ng seryosong tingin.
Sa sobrang seryoso niya para akong pinapasabugan ng kanyon ng kaniyang mga tingin.
'Wow ah. Siya pa ang may ganang tignan ako ng ganyan. Hiyang-hiya naman ako sa kanila.'
Pero since 'boss' ko sila dapat hindi ko na sila pakialaman pa. Buhay nila yan.
"Sorry po sir, mam. Naabala po namin kayo. Sige, lalabas na kami."
Hindi ko na hinintay ang 'reply' nila at hinatak na ang mga bata na kanina pa nagpupumiglas sa kamay kong nakapiring sa kanilang mga mata.
"Mom. Ano po yung ginawa nila, bakit ganun? Magkadigkit po ang lips nila? Di ba diwty yun?"
"Oo nga mommy. So weiwd."
Sabi ko na nga ba maku-curious ang mga batang ito. Hindi naman kasi nag-iingat ang mga pabidang yun eh!
"Naku dirty nga ang gawaing yun. Kaya wag na wag niyong gagayahin ha. It's for adults only."
Dapat manlang kasi naglagay ng rated S.P.G. sign board ang mga yun sa pintuan ng office!
Duh! Para naman aware kami nuh!
Teka nga bakit ba ako naha-highblood?
Kasi nakita yun ng mga bata at masama yun para sa kanila. Tama! Yun nga! Mga bes kong beks, masyadong malisyosa.-----------------------------------------------------------------
"So Mistew Fwedwick, ito na po ang stowy na sinulat ng mommy namin. Ang title po nito ay "Ng Minsang Mawala ang Ilaw ni Alitaptap."
Panimulang pagbabasa ni Rickson.
Magkaiba ang reaksyon ng lahat ng nakikinig. May nabigla, tumaas ang kilay, nagtaka, at parang natawa pa sa title.Hmmp.
Nasaan kami?
Nasa 2D Read 2D Write Room.
I swear. Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko na humagalpak ng tawa.Ang seryoso kasi nilang lahat– writers katulad ko, ni Sir Fredrick, at ni Cassy na...
Binigyang hustisya ang pagiging ahas. Talagang wagas makalingkis.
"Isang awaw ay malungkot na umuwi si alitaptap sa kanilang tahanan. Kabe-bweak lang kasi nila ni jalitaptap."
This time salitan na silang magbabasa para ire-in-act yung conversation sa kwento.
Somehow mukha namang nag-e-enjoy sila sa pakikinig.
May iba pa ngang natatawa na writers– ewan ko lang kung sa kwento sila natatawa o sa paraan ng pagbabasa ng mga anak ko.
Except kay Cassy na inaantok na habang nakalingkis kay Fredrick.
So sweet. Hmmp.
"Alitaptap: Ayoko na! Wala na kami ni Jalitaptap. Wala ng silbi ang mabuhay!
Sislitaptap: Kasalanan mo naman yan eh. Puwo ka wowk- wowk-wowk. Wala ka ng time dun sa alitaptap.
Brolitaptap: Naku, pawang password lang yan! Mahiwap kalimutan, pewo madaling palitan!
![](https://img.wattpad.com/cover/152555667-288-k561172.jpg)
BINABASA MO ANG
Malaya ka na (GayxStraight) (Slow Update, College Na Eh!)
Ficción GeneralBratson Aguilar Dela Vega. Simula't sapul ay anak-mayaman kung kaya't lahat ng gusto niya ay kaniyang nakukuha. Kasama na rito ang pagtanggap ng kaniyang mga magulang sa kaniyang kasarian. But multiple rejections started to change his point of view...