Una

8.2K 206 7
                                    

"Bratty for the nth time, I....SAY... NO! Hindi pa ba noon malinaw sa iyo na I don't, didn't and will never like you. I always told you na wala lang yung mga gestures ko pero look now, na-misinterpret mo pa din. Bratty, I see you just as a friend, and never more than that."

Wika ng lalaki na halatang pagod na sa pagpapaliwanag sa baklang nagngangalang Bratty na kaharap niya.

"Wala na ba talagang pag-asa? I love you Xander. I really-really---"

"You're not in love with me for pete's sake! You're just in love with the idea of being IN LOVE! Look at you. You look so hopeless, masyado kang nagpadala sa false hopes at di mo na pinagana ang utak mo. Always put this in your mind, hindi lahat ng gusto mo makukuha mo. Palibhasa you're such a spoiled brat, bakla pa. Such a waste. Atsaka please lang, do me a favor, tutal you 'love' me, right?"
Tumango naman si Bratty habang humihikbi at pinupunasan ang luha tumutulo sa kanyang mukha.

"And if you love someone, you want them to be happy, right?"
Tumango ulit ang ang huli.

"Pwes kung ganon, pwede bang lubayan mo na ako. Wag mo na akong lalapitan, at please lang, hayaan mo na kami ng bestfriend mo na maging masaya."

Tumango naman muli si Bratty pagkatapos ay tumakbo ito habang humahagulhol.

--Bratty--

Ang hirap palang mag-move on. Ang nakakatawa lang, ilang beses na akong nag-mo-move on pero N.B.S.B pa rin ako. Palagi akong naiinggit sa mga friends at ilang close kong pinsan dahil they already have their boyfriends and girlfriends while ako 'nganga.' Maybe the main reason behind this is that I am gay. A spoiled brat gay. Nag-iisang anak lang kasi ako at bilang isinilang na may gintong kutsara sa bibig, ano pa bang aasahan mo? Kahit gay ako tanggap naman ako nina mommy at daddy. Actually noon pa man they thought na girl ako because of the ultrasound results ni mommy before pero they were shocked when I was born a male.

Masasayang na sana yung mga binili ni mommy na girly stuffs kung hindi niya napansin na girly naman talaga ako. Haha.

Hayyy. Si Xander, the 16th guy who rejected me. Eversince pinangarap ko na talaga magka-prince charming at knight-in-shining armor but I guess hindi sila available para sa mga katulad ko. Mukhang tama nga si Xander, hindi ko nga makukuha lahat ng gusto ko.
Kahit pa mag-make up ako ng todo, magdamit ng maganda, di pa rin nila ako magugustuhan. It is really hard to gain other people's acceptance, especially if you could hardly give it to yourself.

"Anak kong maganda. Kanina mo pa tinititigan sa salamin ang napaganda mong mukha hindi ka pa ba nagsasawa?"
Naku po, dumale na naman.

"Mommy naman, mana-mana lang yan." Sabay tawa namin ni Mommy.
"Anyway anak. Halika na sa baba, maghahanda na tayo para sa hapunan, paparating na ang daddy mo at may dala siyang bisita." Hala. At sino naman yan, aber?

"Sino naman mommy? One of the Investors ba?" I asked curiously.

"Hindi anak. Yung apprentice niya yun. Anak ng close friend namin, mamaya mami-meet mo din yun."

Na-excite naman ako. Sana girl para may bago akong friend, yung bestfriend ko kasi dati, ayun, masayang kapiling na yung ex-love ko.
Naghanda na kami para sa hapunan. Naghain si mommy ng sapat lang na pagkain para sa apat na katao. Ayaw niya kasing may nasasayang na pagkain.
Ding-dong. Tunog ng doorbell.

"Anak, ayan na ata sila. Ako na magbubukas." Ani mommy sabay punta sa may maindoor.

"Mommy, okay na....ba... i--to."
Napatulala ako at halos mabitawan ang hawak kong kubyertos matapos makita ang bisita ni daddy.

Matangkad ito, moreno, makapal ang kilay, malaki ang pangangatawan, malawak ang pagkakangiti na nagpalitaw ng puti at ganda ng kaniyang ngipin, medyo magulo ang buhok pero bumagay at nagbigay hotness sa kanya, at nangungusap ang kaniyang mga mata at para akong hinihigop sa kanyang mahi---

"Anak! Huy! Natulala ka na. Naka-upo na ang lahat, ikaw na lang ang nakatayo diyan." Matawa-tawang banggit ni mommy.

Nakisabay na rin si daddy at napangiti na lang ang bisita na biglang nagpabida sa aking sistema.

"Nga pala anak, ito pala si Fredrick Deltran, anak ng close friend namin ng mommy mo na tinuturuan ko din kung paano maghandle ng negosyo. At Fred ito naman ang pinakamagandang anak ko na si Bratson." Sabay iniabot naman ng lalaki ang kamay sa akin.
Nanginginig ko itong inabot at nakaramdam ako ng kakaibang kiliti na sumakop sa buo kong katawan.

Napangiti na lang ako dahil mukhang may bago na naman akong pagkukunan ng inspirasyon. Sana ito na, sana siya na.

Pero kabaligtaran ng nararamdaman ko, nakita ko sa mukha niya ang ilang. Ngunit agad rin siyang bumawi ng ngiti na.... medyo pilit?
------------------------------------------------------------

Itutuloy....

Malaya ka na (GayxStraight) (Slow Update, College Na Eh!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon