--Bratty--
Isa? Ah hindi, magdadalawang oras na akong nakatulala.
Si Bes at si Xander nakita ko kung gaano kasaya na magkasama. Nagtatawanan, nagsusubuan ng pagkain, nagyayakapan, at nag-uusap na parang may sarili silang mundo.Ang gusto ko lang naman ay yung minsan na masuklian ang nararamdaman ko, mali ba yun? Bakit sa tuwing nagmamahal ako dun pa sa mga taong imposibleng mahalin ako?
Napatingin ako sa hawak kong sulat na nagpapatunay kung gaano ako kahina. Puro bagsak kasi ang grado ko kaya kakausapin ng dean sina mommy at daddy. For sure, magagawan naman nila ng paraan yun, ewan ko lang kung pati yung kahinaan ng kokote ko magawan din nila ng paraan. Haha."Anak kong maganda, maghahapunan na dali mamaya ka na magsenti diyan at parating na rin ang daddy mo kasama ulit yung apprentice niya!"
Natawa ako sa sinabi ni mommy pero napatigil ako ng banggitin niya ang tungkol sa bisita ni daddy. I felt the familiar feeling na naramdaman ko sa mga minahal ko noon but mas malakas at kakaiba yung sa kanya.
Ayoko ng mahulog muli sa bangin na hindi sakin nakalaan....
"Anak isang tulala na lang I will not hesitate to call the mental na talaga." Ano daw?
"Mommy kailan ka pa naging fan ni Kris Aquino?" Matawa-tawa kong tanong.
"A minute ago lang 'coz bimby wanted me to." Haha, bumenta yun saken.
"Mahal, anak, I'm home!" Pagsigaw ni daddy matapos buksan ang pinto.
"Ay kalabaw! Pa bat di ka nag-doorbell!" Pagkagitla ko. Natawa naman sila. Pati si, ay wala.
"Hindi naman ako anak ang nagbukas ng pinto, itong si Fred. Nagmamadali kasi daig pa ang manliligaw na hinahabol ang kaniyang nililigawan." Matawa-tawang saad ni Pa.
"Ah, okay." Sabay talikod at lumakad patungong lamesa.
Nakarinig pa ako ng hagikhikan pero di ko na 'yon binigyang-pansin pa.
----------------Matapos ang hapunan ay umalis na ako agad. Hindi ko na matagalan ang titig ni ano, ano nga bang pangalan nun?
Ayun si Fredrick.
Nakakailang siyang tumingin, parang hinahalukay yung buong pagkatao ko, ganun.
Sa nararamdaman kong kakaiba sa kanya ngayon, mas makabubuting umiwas na lang ako sa kaniya.
Dumiretso na ako sa banyo para maghinaw ng kamay. Mahirap na baka makasabay ko pa yung lalaking yun kung sa kusina ako maghuhugas ng kamay. Ngunit sa kasamaang palad, isang pamilyar na bulto ang bumungad saken.
Okay, dapat talaga sa kusina na lang ako eh.
-_-
"Uhm, p-pwede paraan ako?" Nakaharang kasi ang buong katawan niya sa pintuan.
Tsk, naka-pose pa, feeling model.
"Uhm, pwede ba paraanin mo na ako!" Mas malakas kong pagsasalita dahil naiinis na ako sa kanya. Nakatitig lang kasi siya saken na nagdudulot ng kiliti sa tiyan ko. Siguro dahil kinikilabutan ako sa titig niya, yun!
"Gusto ko lang namang pormal na magpakilala sayo. Daddy mo kasi yung nag-introduce saken." Nabigla ako ng bigla siyang magsalita. Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti ng makinig ang baritono at bilugang boses niya na may--- lambing? Atsaka anudaw, pormal na magpakilala? Sa banyo?
"AkoSiBratty. Oh ayan paraan na ako." Mabilisan kong saad at hahakbang sana ng umimik siyang muli.
"Hindi mo pa tinatanggap."
Huh?
Napakunot-noo ako ng may inginuso siya pababa. Doon napansin ko ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Tinanggap ko na din ng matapos na at makaalis na ako sa nakakailang na eksenang ito. Doon, naramdaman ko na naman ang malakas na kuryente na bumalot sa sistema ko.
Ewan ko kung napansin niya yun kasi hinawi ko na siya at tumakbo patungong room ko.
Ayoko na nitong nararamdaman.
This is getting dangerous.
Sawa na ako sa rejection, ayoko na.
---------------------
Kinabukasan ay maaga akong bumangon upang pumasok sa school.
Pababa na ako upang kumain ng agahan ng...
"Good Morning Bratty!" Siya na naman?!
-------------------------------------------------------NOTA
Sundan...
![](https://img.wattpad.com/cover/152555667-288-k561172.jpg)
BINABASA MO ANG
Malaya ka na (GayxStraight) (Slow Update, College Na Eh!)
Ficción GeneralBratson Aguilar Dela Vega. Simula't sapul ay anak-mayaman kung kaya't lahat ng gusto niya ay kaniyang nakukuha. Kasama na rito ang pagtanggap ng kaniyang mga magulang sa kaniyang kasarian. But multiple rejections started to change his point of view...