Ika-tatlumpu't-tatlo

2.2K 95 14
                                    

-Bratty-

HINDI ako sanay na maging 'center of attraction' kaya lubha akong naiilang habang nasa stage, katabi ang anak ko na halatang hindi talaga alam ang nangyayari, at kaharap ang mga judges ng contest na ito– na kinabibilangan syempre ng 'pabidang' dati kong asawa.

'Kailangan ulit-ulitin na dati mo siyang asawa? Di ka niyan mahal bakla!' Ayan na naman ang sigaw ng isipan kong bitter.

Bago pa man ako lamunin ng mga iniisip ko ay sa wakas!– nagawang magsalita ni Fredrick na kanina pa ako sinusuri ng tingin.

'Oh! Oh! Oh! Alam ko na yang iniisip mo! Ako ang isip mo noh! Hindi ka niyan tinitignan dahil nagagandahan siya sayo! Wag kang feeler bakla, baka naninibago lang sa ayos mo. Remember, revealing ang awtpitan mo nung nakaraan. Pero syempre baka nakalimutan na rin naman niya yun kasi sayang lang sa oras ang isipin ka! Hindi ka kasi mahalaga---'
Tinapik ko na lang ang sentido ko sa mga kabitterang nagsusumiksik sa utak ko. Naalog na ata ulo ko sa kaba.

"So Mr. Brats--"

"Ay kalabaw!" Naglakihan ang mga mata ko sa nasabi dulot ng pagkagulat.

Agad kong tinignan ang kapaligiran at lahat sila ay medyo natatawa na...

Nakakahiya...

Katabi ko pa naman ang anak ko na hawak-hawak ang kamay ko.

Siya na lang ang tanging nag-aalis ng kaba ko– habang ang kakambal niya ay nasa clinic at pinabantayan ko muna sa isang nurse na for sure nakasilip na naman ulit sa mga nangyayari ngayon.

Yumuko ako at nanliliit ang boses na sinabing---

"Pasensya na po Sir. Nabigla lang dahil sa kaba, hehe. Bakit niyo po ako pinatawag? Parte po ba ito ng contest?"

Mataman siyang nakatitig sa amin ni Rick at nagsalita.

"Nope this is not a part of the contest anymore. This is about 'business' and I want to ask few questions to you regarding the story you wrote..."

"Ahhh. Business naman po pala, ano pong nais niyong malaman?"

I tried to act professional since business nga daw ito.

"How did you come up with that kind of story? It is just so interesting."

From being so serious, he became so masigla? Ewan ko ba. Sagutin ko na lang yung tanong ng matapos na.

"Hmm, wala lang po. Pina-ikot ko lang po yung kwento mula sa theme nito na acceptance." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Acceptance?" I nod.

"Opo, 'acceptance.' K-Kung napansin niyo po sa kwento, hindi matanggap ni Paniki kung ano siya. Hindi niya matanggap na kalahi niya ang sa tingin niya'y mababa. Kaya nagmataas siya at nagpanggap na angat sa lahat. Tinanggihan niya ang pagmamahal ng iba, tinaboy ang mga ito pero nung mapagtantong kailangan niya ng pagmamahal. Huli na ang lahat dahil kinain na siya ng ganid, at pagmamataas na akala niya ay magsasalba sa kaniya. Which is nire-represent ni ahas. Yun po."

I saw him smile. Pero bat siya ngumiti? Maganda ba pagkaka-explain ko?

"Ah. That's good, pero there's still one more question of curiousity popping in my head...

Why did you chose to end the story like that? Instead of "the end" ay "itutuloy?" May kasunod pa ba ang kwento?"

Umiling ako ng sunod-sunod.

"Hindi po sa ganun sir. Hindi po kasi ako naniniwala sa ending. Yep, sadly naniniwala po ako sa Forever. Para sa akin walang bagay na natatapos, ang inaakala nating tapos na maaring simula pa lang talaga. Si Paniki? Posibleng namatay na siya, o himalang nakaligtas pero yung aral na maituturo niya. Hindi yun matatapos, hangga't paulit-ulit na maririnig ang aral ng kaniyang buhay."

Malaya ka na (GayxStraight) (Slow Update, College Na Eh!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon