-Bratty-
"Tita Veronica ito na po ang binalatang mansanas. Kumain na po kayo oh."
Kasama si Boss Frost ay dinalaw kong muli si Tita Veronica.
Nanamlay daw kasi si Tita. Hindi masyadong nagkakakain. At madalas ay tulala. Which is hindi nakakatulong sa kondisyon niya.
"Tita kain na po kayo oh. Nagdala po kami ng mga paborito niyong bulaklak. Sige na, Tita. Please."
Pati si Boss Frost ay sinamahan na akong kumbinsihin itong si Tita na kumain.
Pero imbes na tumango o umiling o magsalita manlang ay ngumiti lang si Tita. Ngiting alam mong may tinatagong sakit.
"Tita, ano bang problema? Baka naman po may maitulong po kami Tita sa dinadala niyo."
Nag-angat ng tingin si Tita direkta sa aking mga mata. At naglibot ang paningin niya sa buo kong mukha.
"Kasing-ganda mo siya..."
Huh? Ako? Magandaa?
"Sino po Tita? Anak niyo po?"
Umiling si Tita at inabot pa ng kaniyang kanang kamay ang aking mukha. Marahan pa niyang hinimas ito.
"Kasing-ganda mo ang minahal ng aking anak."
Hala.
"Naku, Tita. Binobola mo naman ako. Hahaha."
Pero kabaligtaran ng ibinigay kong ekspresyon ang biglang pagseryoso ng kaniyang mukha.
"Katulad na katulad mo siya. Mabait, maalaga, maalalahanin, mabuting tao, at binabae. Hihihi."
Para naman akong nahiya sa sinabi ni Tita. Ang anak niya nagmahal ng isang tulad ko na kasapi ng ikatlong kasarian?
For Real?!
Honestly, hindi ko ine-expect yun.
"But sadly, I was so fool back then to hinder their relationship. I even manipulated his mind para lang layuan ang anak ko. Para gumawa ng paraan para maghiwalay sila. Para maikasal ang anak ko sa isang anak mayaman na magpapaangat ng negosyo namin."
Tita bowed her head and wept.
Nagsimula ng magsituluan ang mga luha mula sa kaniyang mga mata at lumaya ang mga hikbi mula sa kaniyang bibig.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Gusto kong iparamdam kay Tita na okay lang ang lahat, at hindi siya nag-iisa.
"My son was very mad at me. He even wished for me na maglaho na at pinagsisihan niyang naging ina niya ako. Oh God, my son, Adam, I really miss you."
Masakit sa pakiramdam na kamuhian ka. Alam na alam ko ang pakiramdam na yan Tita. Hindi ka nag-iisa."Okay lang yan tita. I feel very sorry for you..."
"And you know what slaps me really hard? Yung katotohanang hindi nagalit yung minahal ng anak ko saken. He even visited me here yesterday, gave me some bunch of flowers and fruits, and talk to me as if I did nothing wrong to him. He even thank me kasi kung 'di daw dahil saken ay wala ang lalaking pinakamamahal niya ngayon at ang kanilang supling. Palagi niyang sinusubukan pero ayaw talaga akong bisitahin ng anak ko. He really hates me to death and I can't help but to cry everytime I remember him. Kasalanan ko ito eh, this is all my fault kaya ganito siya saken. Kinakarma na ako ngayon sa mga naging kasalanan ko."
Hinawakan ko naman ang mga kamay ni Tita. Yung mahigpit na mahigpit.
"Tita..." I sighed.
"Please don't feel so bad about yourself... Lahat naman tayo... Nagkakamali. Indeed, we're only humans and we're all not perfect. Naniniwala ako Tita na kahit gaano man kabigat yang kasalanan mo ay magagawa ka ring patawarin ng anak mo. Hindi ka rin niya matitiis, anak mo yun eh. Tsaka mahal ka nun Tita. Yung mga nasabi niya? Siguro nasabi niya lang yun kasi galit siya. Wag mo Tita masyadong damdamin. Tsaka ang mahalaga naman Tita ay nagsisisi ka na at natuto ka na. Kaya... Wag na po kayong malungkot. Sige po, mababawasan ang beauty niyo. Bilang na lang ang mga magaganda sa Earth baka mabawasan pa Tita. Naku-naku."
BINABASA MO ANG
Malaya ka na (GayxStraight) (Slow Update, College Na Eh!)
General FictionBratson Aguilar Dela Vega. Simula't sapul ay anak-mayaman kung kaya't lahat ng gusto niya ay kaniyang nakukuha. Kasama na rito ang pagtanggap ng kaniyang mga magulang sa kaniyang kasarian. But multiple rejections started to change his point of view...