Ika-apatnapu't-tatlo

2.5K 79 25
                                    

-Bratty-

Ngayon nga'y lulan kami ng kotse ni Fredrick sapagkat ihahatid 'di umano nito ang mga bata sa school. Hindi na lang ako humindi o tumutol dahil ayoko pa talaga siyang kausapin.

Magmula ng pag-usapan namin yung kagabi tila ilang na ilang ulit ako sa kanya. Pero somehow, aaminin ko naman, masaya ako. Sobrang saya.

Ganitong-ganito ang pakiramdam namin nung nagsisimula kami dati. At ayoko na parang nauulit na naman ang katangahan ko. Hindi na ulit, at hindi na pwede pa.

Sapat ng isang beses ko siyang inangkin at pinakawalan, ayoko nang maging makasarili ulit.

"Yey, andito na tayo sa school. 'Wag niyo na po kami ihatid sa wooms namin Mommy at Daddy. Bigboys na po kami eh." Nagising ako sa pagkakatulala ng biglang magsalita si Rickson. Nginitian ko na lang silang dalawa at parehas hinalikan sa pisngi bago kumaway.

"Ingat kayo mga anak! Mahal ko kayo!" Ani ko.

"Take care my sons! Enjoy your classes!" Ani naman niya.

Walang sali-salita ay minani-obra niya ang sasakyan. Alam ko na gagawin niyan, ihahatid niyan ako. At kahit humindi pa ako, may magagawa pa ba ako?

Tahimik lang ang byahe tulad ng dati ng mapansin kong, teka. HINDI NAMAN PAPUNTANG RESTAURANT ANG TINATAHAK NAMING LANDAS AH?!

"T-teka, Fredrick. S-Saan tayo papunta?! Uy, may pasok ako. Sandali. Itigil mo yung sasakyan!"

"Mahal."

"Stop it!"

"I won't until you call me Mahal."

'Di ako madalas magmura pero shuta. Kailan pa siya nagkaugaling ganyan? Yung maharot na asal bata?

"Okay! Okay fine! Mahal, stop the car!"

"I won't."

"Pero sabi mo?!"

"I lied. Sorry mahal."

Oh Lord, at mga bes kong beks, bigyan niyo ako ng sapat na pasensya para tiisin na huwag siyang saktan ngayon dahil baka maaksidente lang kami.

Humalukipkip na lang ako at itinuon ang atensyon sa kabilang bintana. Sinusubukan kong maging pamilyar sa dinadaanan namin pero mukhang ang bilis niya lang magmaneho kung kaya't hindi kayang iproseso ng utak ko kung nasaan na ba kami. Pero ang masasabi ko lang, mukhang napapalayo kami sa syudad...

Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na rin sa wakas ang sasakyan. At ang pinaka-di ko inaasahang lugar ang bubungad sa akin.

"Ha? Bakit mo ako dinala dito sa isang park?"

Oh yes, dinala niya ako sa isang park na di ko alam ang pangalan. Lumang-luma na ito at mukhang hindi na napangalagaan pa, dahil sa dami ng mga nagkalatang tuyong dahon at mga damo. Napalilibutan ito ng mga nagtataasang puno kung kaya't ramdam mo ang napakapreskong hangin.

"Hoy, Fredrick Deltran. Yung totoo, balak mo ba akong patayin? Dito sa remote area na ito?" Wala lang pumasok lang sa isip ko, malay ko ba kung may tinatago talaga siyang galit sa akin. Knowing the fact na wala mssyadong napapadaang sasakyan dito, kung patayin man niya ako. For sure, walang makakaalam.

"Chill. I won't ever do that, Mahal. Kung papatayin man kita, sa kilig yun."

Corny.

"Lumang tugtugin na yan, hala ano ngang gagawin natin dito? Magbubunot ng damo?"

Tumawa-tawa lang siya. Hala sige, matuwa ka pa.

"Just follow me." He said at lumabas ng kotse. I was about to open the door on my side nang maunahan niya akong gawin ito.

Malaya ka na (GayxStraight) (Slow Update, College Na Eh!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon