--Bratty--
NASA birthday party kami ngayon ng kabarkada ni Fredrick. Which is Paul. The party is held at Paul's home, specifically at the swimming pool. Oh yes, this is a pool party. At super duper 'out of the place' naman ako dito.
Grabehan lang sa pagkalaswa ng mga awtpitan ng mga tao dito.
Luwa kung luwa ang mga dyoga ng mga babae. Bakat kung bakat naman ang mga kinabukasan ng mga lalaki. Kahit saan ka lumingon magkakasala ang mga mata mo eh!
Nasa isang madilim na sulok lang ako at umiinom ng lemonaide. Kesa naman maki-join naman ako sa kanila? Nakaka-aduwa lang.
Bakit hindi nila ako tularan? Nakasimpleng plain white v-neck t-shirt at cute na maikling finding nemo shorts lang.
Sila nag-aalugan talaga, lalandi.
Bakit pa nga ba ako nagpumilit na sumama rito? Ay, oo para bantayan ang malandi kong asawa. Mahirap na at baka ma-ahas pa ng mga labas kaluluwang babae rito.And speaking of him? Ayun, nakikipag-inuman lang naman with his friends sa isang kanto ng pool. Buti na lang wala siyang kasamang babae, yung mga kabarkada niya kase ay may kanya-kanyang nililingkis.
And another speaking of him, naalala ko yung moments namin kahapon. Kyaaaah! Kinikilig eke.
Flashback
Parang hindi ko na gustong bumangon pa. Ansarap-sarap lang talagang kayakap nitong asawa ko. Ambango-bango, ang tigas-tigas ng mashels. I can't wish for more but him lang talaga. Ang saya-saya lang.
Nagmulat ako ng mga mata at tinitigan ang napakagwapo niyang anyo habang natutulog.
Mula sa kanyang buhok na gulo-gulo pero nakapagdagdag hotness pa sa kanya lalo, sa pilik niyang mahaba at malantik pa sa mga daliri ko na nakapagdagdag naman ng attractiveness sa kanya, sa ilong niyang napakatangos, sa mumunting bigote niyang nagpa-manly ng kaniyang itsura, sa labi niyang palagi akong inaakit na halikan, at sa mga talukap niya kung saan nagtatago ang mga mata na nakakapanghina kung tititigan.
Mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito, ang lahat-lahat sa kaniya.
Di nagtagal ay dahan-dahan namang nagmulat ang mga mata ng aking asawa.
Ohhh, nakakapanghina talaga.
Nagkatitigan lang kami hanggang sa nakita kong namilog at nanlaki ang mga mata niya. Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang na nasa sahig na pala ako at nakakalas na ng yakap sa kaniya.
"Ouuuch! Mahal ko, bakit mo ako tinulak. Aray, ansakit!"
Kita ko naman ang guilt sa kaniyang gwapong mukha. Dapat lang noh! Ansakit ng pwet ko! Bakit ba basta-basta na lang siyang nanunulak."Oh Fvck! Sorry! Sorry! Mahal ko. Are you okay?!" Sinilip naman niya ako sa pagkakahulog at dahan-dahang inakay sa kama.
"Mukha ba akong okay? Ansakit-sakit ng pwet ko like, Duh!" Pagmamataray ko sa kanya. Sino ba namang di maiinis? Mukha pa siyang natatawa sa nangyari saken eh! Siraulo!
"Ooww. Sorry na mahal ko. Nabigla lang naman ako sa magandang dilag na bumungad sa akin pagkamulat ng aking mga mata." Matalinghaga at maharot niyang saad. Namula naman ako bagamat alam kong nambobola lamang ang ulupong na ito. Pero duh! Tawagin ba naman akong dilag. So para pala akong babae para sa kanya? Kilig is meeee!
"So ganun! Kapag maganda tinutulak?" Nag-crossed arms ako. Nagpapanggap na hindi naapektuhan ng pambobola niya.
"Nagulat lang talaga ako mahal ko. Sanay kasi akong mag-isang natutulog eh." Panunuyo niya pa saken sabay hawak ng dalawa kong kamay at hinalik-halikanito.
BINABASA MO ANG
Malaya ka na (GayxStraight) (Slow Update, College Na Eh!)
Ficção GeralBratson Aguilar Dela Vega. Simula't sapul ay anak-mayaman kung kaya't lahat ng gusto niya ay kaniyang nakukuha. Kasama na rito ang pagtanggap ng kaniyang mga magulang sa kaniyang kasarian. But multiple rejections started to change his point of view...