Ika-apatnapu't-isa

2.9K 101 32
                                    

--Bratty--

Pagkagising na pagkagising ko ay agad kong inayos ang kamang tinulugan ko. Mahirap na, sabihin naman ni Fredrick ay winaso ko ang kwartong ito. Pagkalabas ko ng kwarto ay medyo naglibot-libot pa ako.

Talaga ngang matagumpay na siya. Ang laki-laki ng bahay niya, grabe. At least tama ang desisyon kong siya na ang mamahala ng kompanyang pinaghirapan itayo ng aking mga magulang. Speaking of them, namimiss ko na sila. Nag-ta-travel around the world kasi sina Mommy at Daddy. Lamniyo na, hindi naman na kasi sila bumabata pa.

Tsaka plano naman talaga nila yun pag nagretired na sila.

Nagtungo naman ako sa silid ng kambal. At nakita ko ang maaamo nilang itsura na himbing na himbing sa pagtulog.

Somehow, nakonsyensya ako. Siguro nga, tama si Fredrick. Hindi dahil sa natatakot ako kaya ko itinago ang mga bata, bagkus dahil sa makasarili ako.

Deserve nilang makasama ang tatay nila at magkaroon ng ganitong karangyang buhay.

Kahibangan ang isiping kaya ko silang buhayin ng mag-isa lang dahil lang sa may gusto akong patunayan sa sarili ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at dumiretso ng kusina.

Tutal wala na naman na akong maisip na gawin, magluluto na lang ako ng pang-agahan.

Nagsangag ako ng left-over na kanin kagabi at nilahukan ko lang ng bacon, longganisa, tsaka itlog.

Gustong-gusto ito ng mga bata, yung inilalahok sa sinangag yung ulam.

"Hmmm. Ang bango."

"Ay kalabaw na may abs!"

"Grabe, Bratty. Mukha na ba akong kalabaw ngayon? Sa hot kong 'to?"

Letse, ipinihit ko ang paningin ko at itinuloy ang ginagawa. Masyadong masarap--- I mean masakit sa mata ang tanawin.

I just ignored what he said at naghalo na lang nang naghalo nitong sinangag.

I hate the idea na naiilang ako sa kanya. I should act normal. Baka isipin niya na, may feelings pa rin ako sa kanya....

Which is yeah, totoo naman talaga. Pero hindi dapat, mali.

Wala eh, kakaiba ang hatak ng hinayupak.

Pagkatapos magluto ay pinatay ko ang kalan at agad na humakbang patungong silid ng kambal upang gisingin sila.

"Bratty, dito ka na muna. Nagising ko na ang mga bata. Magmumumog lang daw sila."

Bakit di pa sila dito sa kusina nagmumog? Ang awkward nitong sitwasyon eh.

Hindi ba siya aware na ako na nga itong dumidistansya. Pero heto, lapit ng lapit.

Naalala ko rin si Cassy, baka sabihin niya nilalandi ko ang boyfriend niya.

"Ah ganun ba? Hehe. Osige kumain ka na lang muna diyan. Huhugasan ko na itong pinaglutuan at ginamit kong pangluto."

"Wag na, mamaya na yan. Darating na rin naman ang mga katulong mamaya. Nag-day-off kasi sila kahapon. Uhm, usap na lang tayo habang hinihintay yung mga anak natin."

Kumibot ang puso ko ng marinig ang mga salitang 'anak natin.'

Alam niyo yun mga bes kong beks.

There's a tingling feeling inside me just hearing those words coming out of his mouth...

I just heaved a deep sigh and nodded at him. Panahon na rin para ipakitang di ako naapektuhan sa kanya, and to break the awkward feeling!

"Uhm. Kamusta ka? Yung work mo?"

Malaya ka na (GayxStraight) (Slow Update, College Na Eh!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon