Ika-lima

2.6K 110 1
                                    

--Bratty--

"A. YO. KO. AYOKO! Hindi ako manananikluhod sa ulupong na 'yon para humingi ng sorry. Kasalanan din naman niya 'yon in the first place. Kung di ba naman siya may palahid-lahid ng icyng eh di sana walang problema. This dress of mine is so expensive para madumihan ng ganun-ganun lang!"

Tama naman ako guys di ba? Di ba?! Ipinaglalaban ko lang ang karapatan ko noh!

'Pag nasa katwiran, ipaglaban mo!'

"It's not about the dress Bratty For Pete's sake! It's about what you said to Fredrick a while ago. Nakakababa ng dignidad ang mga sinabi mo sa tao. Hindi ka naman namin pinalaking mapanghamak ng tao ah! Yes, marahil nakakainis yung ginawa niya but there are better ways para i-treat mo ang actions niya kaysa ang maliitin mo siya. Atsaka, malay mo yun lang ang way niya upang maki-pag-close sa'yo.

Let me tell this to you again as what your mommy and I were always telling you, matuto kang mag-open up sa iba, makibagay, magpasensya so you could have friends other than yourself alone. 

I will not make it long, pag-isipan mo yung mga sinabi ko Bratty. Goodnight..." Litanya ni Daddy. Sabay walk-out.

Nasupalpal ako dun ah. Pero I do still believe na tama ako! I will never say sorry to him! As in never forever and ever!

"Anak ha. Baong paalala lang bago tayo matulog. Hindi nakakabawas sa pagkatao mo ang pagbabababng pride. Wag mong sayangin ang isang magandang relasyon para lang sa napakaliit na issue. Yun lang, Goodnight and Happy Birthday."

Litanya ni mommy then nagbeso bago nag-walk-out din agad-agad.

Anudaw sabi ni mommy? Pride? Hindi yun ang pinapairal ko noh! Karapatan ko ang ipinaglalaban ko! At anudaw, magandang relasyon? Eh puro konsumisyon nga ang binibigay nung ulupong na yun eh! Tsaka hindi maliit na issue ang mantsa sa dress ko! This was too expensive kaya!

Sina mommy at daddy talaga, palaging panig kay ulupong. Nagdududa na nga ako kung ampon lang ba ako at si ulupong ang tunay na anak nila!
Hayys! Bahala na yan! Tutulog na ako. At ikaw ulupong/yabang/bastos/Fred Chicken, hu u ka na saken mula ngayon. Kakalimutan kong may nag-e-exist na tulad mong gwapo-- este Gagoooooo!!!

*********

Three Days Later...

Oo na! Oo na! Nami-miss ko na si Ulupong! Uhaaaaaa! Tatlong araw ng walang flowers at corny messages pagkagising ko. Tatlong araw ng walang paramdam si Ulupong! Uhaaaaa! Mahirap aminin pero nami-miss ko na talaga siya.

Teka, I have a bright idea.
Kahit di ko pa rin inaamin sa sarili kong ako ang mali ay buong kababaang-loob akong hihingi ng tawad sa kanya.

Fredrick Deltran ikaw lang ang nakapagpababa ng pride ko.

Ikaw na!

I made a plan nga pala. I will go to our company building after class and I will give an expensive peace offering sa kanya na kabibili ko lang kahapon. Alam niyo kung ano? Syempre secret! Mamaya niyo na alamin.

To make the story short ganito yung nangyari: Kumain ako ng agahan, nag-toothbrush, naligo, nagbihis, sumakay ng kotse, papuntang school, plastikadang nakipag-usap sa mga plastikada din namang dear classmates of mine, dineadma ang presensya nina Xander at ni bess na pinagpala sa landi, nakinig sa klase este nagdaydream lang pala, pasensya bobita ako, then natapos ang klase, nagpahatid ako papuntang company building namin, tas pinalayas ko na si Manong Driver.

Malaya ka na (GayxStraight) (Slow Update, College Na Eh!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon