Ika-apatnapu't-apat

4.3K 120 68
                                    

-Bratty-

"FREDRICK!!!"

NAPABALIKWAS AKO NG BANGON
dahil sa isang napakasamang panaginip. For the pahid ako ng pawis mga bes kong beks, daig ko pang naligo jusq!!!

"Haaa, ahhhh. Hoo!" Sinusubukan kong kumalma upang pigilan ang aking paghingal. Pakiramdam ko sumisid ako sa tubig na malalim na malalim at ngayon lang nakaahon.

"Mommy! Good Mowning powwww!!!" Nagulat naman ako sa pagsulpot ng mga anak ko na may dala-dala pang tray ng pagkain.

"Hala!!! Okay ka lang Mom? Wickson, give me the watew." Hindi ko naman tinaggihan ito at agad nilagok ang isang basong tubig. Jusko, sobrang tuyot na tuyot ang lalamunan ko kaya hindi ako agad nakapagsalita.

"G-good morning mga a-anak. Ang agap niyo namang nagising, ano yang d-dala-dala niyo?"

"Okay na po ba kayo Mom? Masama po ba pakiwamdam niyo po?"

"Oo nga Mommy, did you dweam something bad po? Naku, siguwo nakalimutan niyo po magpwey kagabi kaya po kayo nagka-bad dweam. Haynaku, Mommy talaga. Tsk, tsk, tsk."

"Kayo talagang dalawa ang kukulit niyo. Hahaha. Oh, sinong nagluto nito? Teka don't tell me nagluto na naman kayo ng kayo lang? Mga anak, how many times do I have to tell you na delikado pa para edad niyo ang magluto. Paano kung napaso kayo, patingin nga ng mga braso niyo!"

Todo alala kong tinignan ang bawat kanto ng braso nilang dalawa bilang isa akong praning na ina. And I'm proud of it!

"Mom, hindi naman po kasi kami ang nagluto niyan ih."

"Eh sino? Multo?"

"Gwapo ko namang multo."

Natigilan naman ako at takot na takot na tinignan siya. Tama ako, hindi ako nag-iilusyon. Si Fredrick ang nagsalita. Buhay siya, wala siyang kahit anong galos.

Tama panaginip lang ang lahat.

Pero...

Takot na takot ako.

"Okay ka lang?" His smirk is now turned into a worried look.

Umiwas na lang ako ng tingin at tumango.

"Okay fine. Basta kumain ka na lang diyan. Nakakain na kaming mga bata. Dalian mo't male-late na sila."

"Ha? Bakit?"

"Anong bakit? Dali, ihahatid ko kayo."

><><><

ANUMANG pagtanggi ko ay napilit ako ng kambal na sumabay sa kanilang ama. And knowing me, hindi ko kayang tumanggi sa kanila.

Kanina ko pa napapansing panakaw-nakaw ng tingin sa akin si Fredrick. Siguro napapansin niya ang pananahimik ko.

Hanggang ngayon naiisip ko pa rin kasi ang napanaginipan ko. Parang masyadong totoo. At ano namang ginagawa ni Cassandra doon? Parang di naman niya kayang gawin ang ganoon ka-brutal na bagay. Masama ugali niya minsan pero mukhang di naman aabot sa tipong makakapatay na siya ng tao.

"Dito na tayo mga anak..."

"Yey, andito na tayo sa school. 'Wag niyo na po kami ihatid sa wooms namin Mommy at Daddy. Bigboys na po kami eh."

Tila nabuhusan ako ng napakalamig na tubig ng marinig ko ang sinabi ni Rickson. Naramdaman ko rin ang panginginig ng aking mga kamay at tuhod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Malaya ka na (GayxStraight) (Slow Update, College Na Eh!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon