5

19 1 0
                                    

Uwian na at wala rin si Kuya Dino magmula kanina. Nakakainis! Siguro nasiraan nanaman ang sasakyan. Psh what a useless car. Nagulat nalang ako ng biglang may pumutik sa nuo ko. Kunot nuo akong tumingala kay Grey na nakangisi habang nakatingin sakin. Hays kahit kailan ang tangkad niya!

"Shit Grey! it's hurt " reklamo ko sa kanya

Tinawanan niya lang ako ang loko may gana pang tumawa ,ang sakit kaya!

Tumingin siya sakin " Masakit?" tanong niya

" Isn't obvious? You see? Nasaktan ako gago!" pagtataray ko sakanya
Hawak ko padin yong nuo ko kung saan niya ako pinitik kanina.

Lumapit siya sakin at walang alinlangan hinawakan ang tigkabilang cheeks ko at deritsong hinalikan ang nuo ko.

Nakaramdam ako ng kakaiba ng dumikit ang kanyang labi sa nuo ko parang may kumuryente na kong ano sa katawan ko . Godness! Malala na talaga si Grey. He need a doctor.

Pagkatapos niya akong halikan tumitig siya sakin " Masakit parin ba?" tanong niya

Napaiwas ako sa titig niya dahil para na akong matutunaw sa kinapwepwestuhan ko ngayon.

" Uuwi kana?"

Nagtango ako

" Alone?"

Nagtango ulit ako

"Hatid nalang kita? Lakad nalang tayo pauwi sainyo"

"Lakad lang ,WALANG TAYO" Banat ko sakanya

" Sabi ko nga walang tayo" sagot niya

Maya-maya bigla niya nalang akong sinigawan

"AILA BILIS MAY SASAKYAN!"

Sa subrang taranta ko sa pagkakasigaw niya sakin halos mapatakbo ako upang maiwasan ang itim na kotse, grabe muntikan na ako don ah!

"Bilis ah? Haha"

Nakabusangot lang akong tumingin sakanya habang siya naman ay tawang tawa.

"Tatawa ka pa diyan! muntik na kaya akong mabangga!"

Lumapit siya sakin at saka ko lang naramadaman na unti unti nyang hinahawakan ang kamay ko.Napatingin nalang ako sa ginawa niya at saka tumingin sakanya na siya namang nakatingin din sakin..LUB DUB LUB DUB 0\\\^\\\0

"Bakit?" painosente niyang tanong

"My hands" naiilang akong tumingin sa kamay naming magkahawak

"Your hands?" inulit niya lang yung sinabi ko -___-

Itinuro ko ang kamay naming magkahawak gamit ang aking nguso

" Ahh yeah your hands so soft and so warm"

Dapat na ba akong kiligin dahil sa mga banat niya sakin? Definitely not.

Pinipilit kong alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero mas lalo niya lang hinihigpitan ang pagkakahawak nito dito.

"Bitaw na nga" utos ko

"Ayaw" pailing-iling pa siya with pout lips. Nyeta bakit ang gwapo niya kapag naka pout? Lalo na at sinag sa kanyang labi ang liwanag ng araw kaya kitang kita ko kung gaano kapula yong labi niya.

Umiling ako dahil sa mga pinag-iiisip ko.

"Bitaw na nga sabi!" Pasigaw na utos ko ulit sakanya

"Ayaw ko nga sabi!" Pasigaw pero nakangiti niyang sagot sakin.

Ugh! Ang lalaking to talaga ang sakit sa ulo.

"Isa!"

"Maalam po akong mag bilang" pilosopo niyang sabi

" Chansing" sabi ko nalang

Lagi nalang akong talo pag dating sakanya

"Alam mo ba kong bakit ayaw kong bitawan ang kamay mo?" biglang tanong niya

"Tinatanong pa ba yan?" masungit kong sagot sa kanya, sabay ismid

" Ayaw ko kasing may mangyaring masama sayo"

" ayaw ko kasing may mangyaring masama sayo"

" ayaw ko kasing may mangyaring masama sayo"

STOP Brain will you?

Napatingin ako sakanya ng dahil sa sinabi niya na lalong nag pabilis ng puso ko .

"A-ano?"

"I make you feel safe with me "

" Nandito na tayo sainyo. Sige pasuk kana sa loob aalis na din ako" Halos mapunit na ang buong mukha niya sa subrang lapad ng ngiti niya.

"Huh? Ah oo" wala sa sarili kong sagot sa kanya.Duh? Sino ba naman hindi makakapag focus sa lalaking to?
Aalis na sana sya ng tawagin ko siya

"Grey!"

Pagkalingon niya bigla nanamang bumilis ang heartbeat ko, bakit ganito?

"Thank you " pahabol na sabi ko sa kanya.Syempre hinatid niya ako kaya dapat na magpasalamat ako sa kanya

Lumapit siya pabalik sakin hanggang nasa harapan ko na siya ngayon and now he kiss me in my forehead

" Your welcome "

Patakbo siyang nag ba-bye sakin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko ,napahawak nalang ako sa nuo ko kong saan niya ako hinalikan kanina at ngayon,bakit ganon? Iba na ang nararamdaman ko kumpara dati na lagi kaming magkasama ni Grey. May umiba—lalo na yung pagtibok ng puso ko di nagiging normal kapag kasama ko siya.

I think i need a Doctor too.

Never Forget YouWhere stories live. Discover now