11

12 1 0
                                    


1 month passed at ganon padin ang sitwasyon. Nagagawa niyang tiisin ang best friend niya at ngayon porke nakahanap na nang ibang barkada iiwan nalang ako na parang wala kaming napagsamahan?

Wow.

Di naman ako galit medyo tampo lang nakakainis kasi ginagawa niya dapat di niya nalang ako pinapansin kong  iwas na siya saakin. Akala niya ba di ko napapansin na naiwas na siya saakin kapag magkakasalubungan kami he turn to some way o di kaya kapag nagkakatinginan kami naiwas siya agad.

Godness. Nakaka stressed!

Kaya dala ng subrang stressed di na ako ginaganahang kumain ng kahit na anong pagkain sa school. Kumakain lang ako kapag time na nang lunch pero kapag recess i choose to sleep a bit.

Saktong pagtingala ko nilagyan ni Grey ang desk ko ng mga pagkain.

" You have to eat" seryosong sabi niya.
Mukha parin naman siyang may care pero di ko na madama.

Hanggang sa makaupo na siya sa upuan niya nakatitig lang ako sa mga bigay niya. Hinawakan ko iyun at binigay ng walang imik na nasa unahan ko kila Jazz and Top.

" Salamat."

" Oy thanks!" Sabi ng dalawa.

Umub-ub nalang ulit ako. Kapag may klase nakikinig kapag may pinapagawa, gumagawa minsan nga nahuhuli kong tinitingnan ako ni Grey e pero isinasawalang-bahala ko nalang.

I have no best friend anymore.

Lunch break na at saktong gutom na gutom na ako. Ang malala pa dito ang daming taong nagkalat. Saan na ako pwewesto dito? Ang bigat pa naman nang tray na dala ko.

" Miss tulungan na kita?"

Napalingon ako sa boses lalaking umimik bandang likodan ko.

" Ah di na. Di naman masyadong mabigat"

Hindi niya ako pinakinggan at inagaw niya na saakin yung tray ko, pinaupo niya ako sa tapat niya swerte pa dahil dalawahang pwesto pa ang naupuan namin.

" T-hank you"

Ngumiti siya sakin dahilan para lumitaw ang lubog na lubog na dimple niya sa tigkabilaan. Pinagmasdan ko din ang haircut niya. It's nice katulad ng mga nasa list ng ideal man na gusto ko.

"Your name is?"

" Aila" Maikling sagot ko.

" Ah. I'm Skye"

Napangiti ako dahil bagay na bagay sa mala-sky niyang mukha, subrang ang angelic kasi ng ngiti pati narin ang pustura niya.

" Kung di kita natulungan baka sa sahig kana kumakain"

Nabato ko siya ng tissue " Haha grabe hindi naman"

" Sigurado ka?" Tumingin siya sa paligid " Daming tao e"

Tumango nalang ako sakanya. Iimik na sana ulit siya ng itaas ko ang kamay ko sa tapat ng bibig niya.

" Gutom ako mamaya kana magsalita please"

And then I hear him chuckled.

Matapos naming kumain inalok niya akong gusto niya daw akong ihatid sa classroom ko so pumayag ako beside nakakatuwa dahil marami kaming napag-usapan like what age ba dapat nagsyosyota tapos nagtalo pa kami kong saan nag mula ang itlog sa manok diba? So saan naman nag mula ang manok diba sa itlog?  Basta ganyan diskusyon namin kanina. Pang timang lang! Ang ingay namin sa daan tawa kami ng tawa. In fairness masaya siyang kasama.

" Dito na classroom ko. Salamat sa paghatid"

Tumigil na kami parehas sa paglalakad at nakangiting tumingin saakin.

" Saan nga kasi nagmula yung itlog?" omygod. He asked again!

" Chicken?" natatawa kong sagot.

"No in the egg"

Dinaig ang baliw na ang babaw ng pinagtatawanan naming dalawa.

" May kasabay ka ba tuwing uwian ng hapon?" tanong niya

Napatingin ako sa naglalakasan tawanang papunta sa classroom namin ng makita kong sila Grey pala yon and his barkadas kaya naman tumingin ako kay Skye at simpleng umiling.

" Dati meron pero ngayon wala na."

" Ganon ba? Sabay nalang tayo mamaya. Puntahan nalang kita dito mamaya " Tinuro niya pa ang building na katapat ng building namin " Doon lang naman room ko "

Bigla akong kinabahan ng magsi-tigil sila Grey sa may pintuan ng classroom namin. Nakahara nga pala ako kaya tumabi ako ng kunti sa daan. Ramdam kong ang lalim ng tingin saakin ni Grey pero mas pinili ko nalang na tumingin ulit kay Skye .

" Sige" Nakangiti kong sagot dito saka na ako umunang pumasok kay Grey.

Never Forget YouWhere stories live. Discover now