13

9 1 0
                                    


" Oy grabe bakit inantay mo pa ako?" tanong ko kay Skye dahil nasa labas siya ng gate campus namin ng makita ko siya.

" Inantay bang? haha inantay nga kita"

Napailing nalang ako. Akala ko pagmumukhain niya pa akong assuming.

" Best friends na tayo diba?"

Napatingin ako sakanya. Kaya ko bang palitan si Grey bilang best friend ko dati? Pero wala sa sariling napatango nalang ako Kay Skye.

" Yown. Haha nagkaroon ulit!" he said while he punch the wind.

" Ulit? What do you mean by that?"

Nasa kalagitnaan na kami ng campus habang nagkwekwento siya " May best friend din ako dati, babae siya tapos— tapos sa ibang araw ko nalang ikwekwento yong iba. Haha bye na!"

Kumaway ako sakanya ng mapatingin ako sa taas ng building nila at iyung mga lalaking kaklase niya puro nakangiting asong nakatingin saamin.
Matapos ko namang makarating sa classroom tumuloy upo nalang ako sa upuan ko. Marami-rami narin ang tao nandidito narin nga mga barkada ni Grey pati narin siya habang nakaupo at nakamulsahan ang isang kamay sa bulsa, habang ang isang kamay naman ay nakaakbay kay Stacie. Ang muse namin sa classroom, siya rin dati yung kaakbay ni Grey dati.

Umayos ako ng upo at boring na boring na nakatingin lamang sa kanila.

Nakakahiya naman sakin na mag-isa lang.

"Stacie may boyfriend ka ba?" tanong ni Jan kay Stacie habang inaayos ayos ang buhok ni Grey.

Fuck! Sakin dati kapag nahahawakan or nadidikitan ko manlang yong buhok niya nagagalit siya pero bakit si Stacie hinahayaan niya lang?

" I haven't" sagot ni Stacie sa mga lalaki saka nanaman nilikot ang buhok ni Grey.

" Ow. Wala pala. nanliligaw?" tanong naman ni Jomar

Umiling naman si Stacie " May inaantay akong umamin sakin." Sabay tingin kay Grey.

Umub-ub nalang ako at ipinikit ang mga mata. Bakit parang hirap akong huminga? Bakit parang bigla akong nanghina, bigla akong nawalan ng gana at...at bakit lumuluha ako?

Habang nagklaklase kami lumilipad ang isipan ko kong ano-anong iniisip ko

'Bakit nag BS accountancy pa ako?'

Napasulyap ako kay Stacie habang nagsusulat

" May inaantay akong umamin sakin."
Sino yung lalaking inaantay niya? Bakit may pagtingin pa siyang nalalaman kay Grey. Psh. Hindi kaya si Grey yung inaantay niyang umamin sakanya? That's is imposible! Sakin siya may gusto , ako gusto niyang ligawan dati!

Dati. Stop na dati nalang yon.

Sa dami kong inisip hindi ko namalayan na umalis na ang Teacher namin.

" Greyzon sasama ka ba? Sa court kami nuod ng practice ng Basketball!" tanong ni Daniel kay Grey na naka-stay lang sa upuan niya.

"Pass muna mga tol" sagot niya.

I just shrug at inayos na ang gamit ko, di pa namin uwian dahil may last sub pa kami so dito narin muna ako. Napatingin naman ako kay Grey ng tumayo siya at lumabas ng classroom.

At dahil nakaramdam ako ng ihiin ay tumayo ako at lumabas ng mapatigil ako dahil sapatos ni Grey ang nakita ko dahil sa sahig lang ako nakatingin.

I look upward on his, then I see him stared at me with his bored look.

Lumapit ako sakanya at ginulo ang buhok niya, and i got shock when he smash my hand.

" Ano bang ginagawa mo?" he cleared his throat quietly " Wala ka bang magawa pati buhok ko pinapaki-alaman mo?"

I looked away from him then turned
and ran off.

I thought he didn't get mad because of what I'm doing. But I'm wrong..

He change a lot.

Dati hindi niya ako nasisigawan ng ganon kalakas, mga titig niya na kakaiba at parang hindi si Grey ang nakikita ko sakanya. Pinahid ko ang luha kong tumulo sa pisngi ko at dumeritsong punta sa Cr.

Mabilis akong pumasok sa vacant cubicle at don umiyak ng umiyak, hugot lang ako ng hugot ng tissue na nasa gilid ko habang ipinupunas sa mga luhang nagsisipatakan.

Nasasaktan ako. Bakit ganon na siya?

Never Forget YouWhere stories live. Discover now