22

10 1 0
                                    


" Himala lumabas na nang lungga ang anak mo Mom?" sabi ni Kuya kay Mommy.

Paepal nanaman!

" Owww. Bakit biglang pumangit ata ang talagang pangit kong kapatid?"

Nilisikan ko nang mata si Kuya " Sa tingin mo GWAPO ka?"

" Gwapo ako since birth ulol!"

Umiling nalang ako at saka lumabas. Umupo sa may labas ng gate at nagpahangin. I miss this fresh air.
Tumayo ako at naglakad-lakad, sa paglalakad ko may mga ilang couples akong nakakasalubong dahilan para mapahabol tingin nalang sa kanila.

Sana lahat may pag-ibig no? Pero sabi nga nila, No need to rush dahil kusa yang darating sayo. I will wait of who he was.

Nang mapagod ako ay tinawagan ko si Skye pero hindi ko macontact, baka nasa gym nanaman psh. Umayos ako ng upo at nag online, pero sadya ba akong pinarurusahan ng may kapal? Bakit kailangan unang bungad ko sa timeline yung pangalan agad at picture agad nila Grey ang bubungad saakin?

Wow.

Damn-it this is driving me crazy.

Tinitigan ko ang picture nila ng
Girlfriend niya na magkaholding hands at ang isang kamay naman ni Grey ay naka-akbay pa sa balikat nong babae.

Maybe he stopped wanting me, and he stopped thinking about me.

Parang dati lang kasi sakin niya ginagawa yan? Pero ngayon sa iba niya na ginagawa. Pilit na pilit akong nag-react ng heart doon kahit gusto kong lagyan ng react na cry para naman malaman niyang subra akong nagsisisi sa pag reject sakanya. Na subra akong nalulungkot at nasasaktan sa panahon na nagsasaya naman siya ngayon sa feeling ng iba :(

Hays buhay puro nalang sakit ang dulot nyeta this!

Nang makauwi na ako sa bahay, nakita ko si Skye na kinakausap ni Kuya.

"Oh tapos anong nangyari?" tanong ni Kuya. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.

" Tapos ayon umalis yong lalaki"

Napasabunot si Kuya tas napalingon saakin. " Oh bat bumalik ka pa? Naiwan mo mga gamit mo? Ay ge ako nalang magbababa para sayo"

Umismid ako kay Kuya at pinalapit naman saakin si Skye.

"Anong sinasabi mo kay Kuya? Tungkol ba samin ni Grey yon?"

GINULOOOOOO NIYA NANAMAN BUHOK KO!

" Hindi a. Don yon sa Hollywood movie na napanuod ko. Suggest ko lang sakanya, mahilig din pala kasi manuod ang Kuya mo ng mga movies"

Napahinga ako ng malalim " Akala ko sinabi mo e "

Umiling siya " Ayos kana ba?"

Tiningnan ko lang siya

" Aba Aila ayusin mo yan sarili mo magpapasukan nanaman tapos ganyan ka haharap sa maraming tao? Ano nalang sasabihin ng mga kaklase natin na oy Aila bakit ang payat muna? Bakit subra naman ata Eyebags mo? Bakit parang manang kana bak—"

" Enough"

" Pero Aila wag mong pabayaan ang sarili mo"

Tumingin ako sakanya " Pero nagawa ko na! At hindi ko alam kong paano ko maibabalik ang dating ako kung mismo siya wala nang planong bumalik!"

Hindi umimik si Skye at saglit siyang natigilan. Lumapit siya saakin at niyakap ako.

" I'm sorry i didn't mean to hurt you"

" S-sorry din" umiiyak nanaman pala ako? Palagi nalang ganito.


A/N: Wahh! Skyla na ba? Or Greyla naks akala ko Gorilla haha!

Never Forget YouWhere stories live. Discover now