8

15 1 0
                                    


" I'm jealous is that so wrong?"

Lumingon ako sakanya na sakto namang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya naglayo ako ng kauntian.

" Sino ba yon?"

Pilit siyang ngumiti at umiling nalang.

Kiniliti ko pa ang tagiliran niya " Oy sino yan ha? May crush kana pala bat di mo sinabi saakin? Kilala ko ba yan?" pang loloko ko sakanya.

" You know her so much"

Napatigil ako sa pagkiliti sakanya at napaisip. " Omygod! Si Jazz ba yan?"

Umiling siya " Di a?"

" Then who?"

Tumitig muna siya saakin bago magsalita " You"

Hindi ako nagsalita, hindi ako nakagalaw. Totoo? Or nabingi lang ako.

" We?" yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko

Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti " Assuming. Basta malalaman mo din kong sino yon. But not—"

"Not now." pagtapos ko sa sinabi niya.

Matapos kaming mag-usap ni Grey lumapit naman ako sa pwesto nila Top and Jazz. My two close friends.

" Hi there" nakangiting bati ko sa kanila.

Mag syota ang dalawang to, napaka sweet sa isa't isa sarap paghiwalayin bwahaha!

" Kamusta kayo? Ahm kayo pa ba?" pang aasar ko sa kanila.

Tumawa yong dalawa sabay sapak sakin ni Jazz sa ulo

" Kami pa no!" sagot niya saakin.

" So kailan kayo mag-brebreak?" trip ko silang asarin ngayon. Haha

" Kailan ba Babe?" nakakainsulto ding tanong ni Top kay Jazz.

Natawa naman ako sa itsura ni Jazz ng tanungin siya ni Top. So epic!

" Now.Now na!" barinong sagot ni Jazz.

" Haha chill.  Niloloko ko lang kayo. Just stay strong okey?" pagpapatigil ko sa kanila dahil mukhang mag aaway na gawa ko.

" Ge salamat sainyo din."

Natanggal ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Top. " Saamin? Duh. I'm single Top"

" Oh bakit? Advance ako mag-isip e"

Umiling nalang ako at umalis na sa pweto nila. Habang naglalakad ako papuntang corridor ng harangan ako ni Kyle sa may pinto.

" Ang layas mo!"

Tumingala ako kay Kyle at sinamaan siya ng tingin " Huwow! Nagsalita ang hindi. First day mo pa nga lang nasa kabilang building kana ng college course. Duhhhh!" sagot ko dito,hinampas ko ang kamay niya " Tabi!"

Tumabi naman siya at nang lalakad nanaman sana ako ay may humawak naman sa braso ko

" Bwisit ka talaga Ky—Grey? Sama ka? Rerecess ako sa canteen" deritso kong pagkakatanong sakanya pero deritso din siyang nakatitig saakin.

" Bakit? May kung ano ba sa mukha ko? May pimple ba? May pulbo pa ba or—"

" Nothing let's go"

Hindi ko alam kong sinadya niya bang bungguin si Kyle sa pagdaan niya or sadyang masikip lang talaga ang daan kaya nagkabanggan sila?

Never Forget YouWhere stories live. Discover now