12

9 1 0
                                    

Natapos na ang klase kaya lahat ng gamit ko ay inayos ko sa loob ng bag ko. Nagmadali akong lumabas ng classroom dahil nasa labas na ng corridor namin si Skye.

" Nang ganitong kaagap? Really Skye?" natatawa kong banggit sakanya.

Kabe-bell palang ng time namin para sa uwian kaya laking gulat ko ng makita ko siya sa tapat agad ng corridor namin.

Kumamot siya sa ulo " Di naman ako umattend sa klase. Nag practice lang kami ng basketball sa court buong hapon"

Basketball player siya? Heck! Isa rin sa mga gusto ko sa lalaki ang
basketball player.

" Oh. Haha " Lumapit ako sakanya at inamoy-amoy siya " In fairness ang bango mo padin"

Skye laughed and shaking his head. " Tara na?"

Pero bago pa kami makababa sa hagdan bigla nalang may pamilyar na boses lalaking tumawag sa pangalan ko. Parehas kaming napalingon kay Grey na nakatayo sa likuran namin.

I look at Skye. " Mauna kana sa baba, intayin mo nalang ako don okey lang ba?"

Tumango siya " O-okey lang naman. Sige " at saka na nga siya bumaba.

Tumaas ulit ako pataas sa hagdan at tumapat sa pwesto ni Grey. He just only stared at me.

My heart was racing godness.

" Bakit?" walang kaemosyon-emosyon kong tanong sakanya.

Iniabot niya naman saakin ang chemistry book " Nakalimutan mo"

I nodded and not look at him while I'll get my book on him.

" Sige umuwi kana nag-iintay na ata yung kasama mo sa baba"

Napatingin ako sa part ng may hagdan at naisip si Skye, inaantay nga pala ako non.

Tumango nalang ako at tumalikod sakanya.

" Aila"

Napatigil akong maglakad dahil sa pagtawag niya " Were still bestfriend right?" he said with his serious voice.

" I-i dont k-now"

" Ayos ka lang?"

Shaking my head in desmay " Hindi ko na alam ang gagawin ko.. " my cheeks turn to red as I trembled with frustration.

Tumigil si Skye sa paglakad at humarap sakin. " Bakit anong nangyari?"

Nanatili akong nakatindig lang ng walang imik. Nag-iisip ako ng bagay-bagay dahilan para sumakit lang ang ulo ko.

We're still best friend right?

Best friend? May best friend bang nang-iiwan sa ere? :(

" Hey. Di kana umiimik" Natatawang sabi saakin ni Skye ng kalbitin niya ako.

" I'm sorry ang dami ko lang talagang iniisip kong ano nang gagawin ko." pag-amin ko sakanya.

" Halika don muna tayo" Kinuha niya saakin ang libro at siya na ang nagdala noon habang higit-higit niya naman ako papunta sa court. Sabay kaming umupo sa damuhan at lumanghap ng sariwang hangin.

" Pa-relax muna tayo ha? Para naman marefresh mo yang isipan mo." nakangiting sabi niya saakin.

I like it when his kind.

" Alam mo ba marami rin akong iniisip katulad mo. Hahaha kaya easy lang Aila isa lang utak natin"

Natawa naman ako sa sinabi niya.  " Ano namang mga iniisip mo?" tanong ko saka tumingin sa harapan naming wala ng katao-tao.

" Kung bakit architecture pa kinuha ko. Oo hilig kong gumuhit pero nakakasawa din pala, nakakapagod at nakakaiyak kapag pamali-mali ka pa, dapat lahat may bilang dapat lahat pantay. Kakamatay no?" tapos tumingin siya saakin habang tumatawa.

" Tsk sinong may kasalanan?" ang mahal kaya ng tuition sa Architecture. Sa bagay mayaman naman ata sila.

" Ikaw ano namang iniisip mo?"

" Kong bakit bigla nalang nagbago ang lahat" Mapait akong ngumiti at tumingin sa kalangitan " What's the meaning of best friend?" saka lumingon sakanya.

Bahagyang kumunot ang nuo niya pero alam kong nag-iisip na siya ng isasagot.

" Best friend. Yun yong taong masasabihan mo ng mga problema mo, mahihingan mo ng tulong, ka jaming mo sa araw-araw, kasama mo sa lahat ng saya at kalokohan tapos siya yung taong taong palaging nasa tabi mo sa oras na kailangan mo siya"

Pinisil niya pa ang braso ko dahilan para mas lalo kong pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak sa mga pisngi ko. Gosh si Grey kasi!

" But friend can break your heart too, wag kang masanay na ang taong yon ay palagi kang pasasayahin dahil darating ang araw masasaktan ka din niya"

Tumango ako ng ilang beses at nang tumulo ang luha ko ay mabilis akong tumalikod at pinahid ang luha na nasa pisngi ko at humarap ulit sakanya.

" So...can you be my best friend?" i asked.

Napangiti siya " Oo naman."

Never Forget YouWhere stories live. Discover now