25

18 1 0
                                    


Panibagong araw nanaman at ito ako ngayon nakaupo sa sarili kong upuan pabalik balik ang tingin ko sa upuan ni Skye. Agad na kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si ungas.

"Oy napatawag? Gandang umaga!"
Napairap ako. Anong maganda sa umaga e wala pa siya. Paano nalang kapag biglang nag si-datingan ang iba worst of all paano nalang kapag dumating na siya... Si Grey.

"Nasan kana?"

"Wait lang Cley!—ah Aila sorry di ako makakapasok ngayon may biglaang practice daw ng basketball e. Dinaanan nga lang ako biglaan ni Cley sa bahay"

Napasandal ko nalang ang baba ko sa kamay ko.

" So ano pa bang magagawa ko?"

" Nasa school kana ba?"

"Yeah kanina pa"

" Daanan nalang kita pag-uwian na, sabay as usual ha? "

" Okey " then i hung up the phone.

I dropped my head in my hands and closed my eyes. Napamulat ang mata ko ng may nagsidatingan na subrang iingay.  Napatingin ako sa papasok na sila Grey, mga nagtatawanan sila pero ni minsan ba naisip niya na hindi na ako makatawa?

No because he doesn't care of me. He left me even just saying goodbye before he walk so far from me.

Nagklase na at ang buong atensyon ko ay nasa proctor ko, pinipilit kong di mapalingon na kahit by accident sa pwesto ni Grey. Siguro nga it's too late para sabihin ko sakanya ang tunay kong nararamdam. May iba na siya e. All I have to do is move on? Wala naman kami at kahit kailan walang naging kami.

Umiling ako " Oh, its was too awful to think about"

Nag bell na para sa oras ng uwian namin hudyat na din para ayusin ko ang gamit ko.  Inilagay ko lahat ng papel works ko sa bag at kinuha lahat ng libro sa lamesa. Medyo mabigat pero kaya ko naman si Skye kasi palaging nagdadala nito para saakin.
Naglalakad ako ng mapatigil ako dahil nabangga nang bag ni Stacie ang mga libro ko kaya nahulog yong iba.

" Shuks . Sorry Aila sorry"

Hindi nalang ako umimik at ako nalang ang kumuha ng nahulog na libro.

" Tsk hoy boys nasan na ba si Greyzon?"

" Nasa court daw. Babalik din naman"

" Ay hala pasabi nalang nasa labasan tayo ha?" at sabay sabay na silang lumabas ng classroom.

Napaisip naman ako kung bakit nasa court si Grey. Dahil ba sasali siya sa basketball dito?.
Matapos kong kuhain ang dalawang librong nahulog tumayo na ako at nagsimulang lumakad pero napatigil nanaman ako ng may nakahara sa pinto at wala atang balak umalis, kaya tumingala ako at tumingin ng masama sakanya.

Maybe he stopped wanting me, maybe he stopped thinking about me —pero iba ang nakikita ko sa mga titig niya. His face was carefully blank, like the of a statue.

I don't want to do this but this a right thing. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya na parang isa lang siyang hangin na sumulpot sa harapan ko sabay nilampasan siya ng lakad. Nang makalampas ako sakanya don lang ako nakahinga nang malalim.

" Hey! Ako na nyan!" napatingin ako kay Skye na patakbong pumunta sa pwesto ko saka kinuha ang lahat ng librong hawak hawak ko.

" Dapat sana inintay mo nalang ako"

Umiling ako

" Bakit?"

Tumingin ako sa may classroom at nakita ko si Grey na nakaupo at nakatingin saamin kaya umiwas agad ako ng tingin " Nandon si G-grey"

" Oh tapos?"

" Kaming dalawa lang."

Nagsimula na kaming lumakad habang tawa siya ng tawa.

"Ang bitter mo di naman naging kayo"

I shook my head and smiled faintly
" Yeah right "

Never Forget YouWhere stories live. Discover now