24

13 1 0
                                    

Tamlay akong tinanggap ang donuts na bigay niya saakin at tahimik na kinagatan yuon.

Skye suddenly smile " Mabuti naman at kumakain kana kahit papaano"

Ginulo niya ang buhok ko at inilapit ang mukha saakin " Nandito lang ako sa oras na kailangan mo ng iiyakan ha?"

Tumango ako sakanya at pinahid ko kaagad ang luhang mabilis na bumagsak sa mukha ko. Laking pasalamat ko talaga kay Skye na simula vacation hanggang ngayon wala siyang sawang mag-intindi sa mga kadramahan ko sa buhay. Palagi nalang siyang nandidito sa tabi ko walang umay ding laging ginugulo ang buhok ko.

Hinawakan niya ang buhok ko at pinagmasdan yuon " Aila nagsusuklay ka ba?"

Nilisikan ko siya ng mata " Magsusuklay kong lagi mo din naman ginugulo!"

He chuckled " Kailangan mo pading magsuklay "

Hinalungkat niya ang bag ko at hinagilap ang suklay ko doon, pagkatapos lumipat siya sa likuran ko at sinimulang suklayan ang mahaba kong buhok.

" Wala kang planong mag-pagupit?"

Umiling ako.

"Pagupit ka hanggang balikat uso yon diba?"

Pati ba naman yon napag-aalaman niya? Dabest siya!

" Aray ko naman Skye,dahan-dahanin mo"

" Haha oo sorry"

Napatigil sa pagsuklay si Skye nang magsipasukan sila Grey kasama sila Stacie sa classroom. Nagsimula nanaman kumabog ng subra ang puso ko nang mapatigil sa pagtawa't paglakad si Grey nang magkatinginan kami.

Napatitig siya saakin ng ilang minuto at umiwas din naman saka umupo sa upuan nilang magbabarkada.

Humarap ako kay Skye at napansin niyang napapaluha nanaman ako kaya naman nagulat ako ng higitin niya ako sa braso at saka umimik.

" Pahangin muna tayo sa labas"

" Pero malapit na ang next class"

He looked at me straight "Saglit lang"

Katulad nga ng sabi niya dinala niya ako sa malawak na field namin, umupo kami sa damuhan at doon nagpahangin. Huminga ako ng malalim at tumingin kay Skye.

" Naiinis ka na ba saakin?" Lumingon siya sakin " Nakakainis na ba na lagi akong umiiyak, nakakasawa bang lagi akong madrama?"

He stopped as he looked at me, his mouth curving with a slow half-smile " Kahit kailan di ako magsasawa. At yung ang tungkulin ko bilang bestfriend sayo. Parating makinig at damayan ka sa oras na kailangan mo ako"

I tried to smile " You little numskull"

" W-hat numskull? Wonderful. Ikaw na nga diyan dinadamayan e"

Tumayo ako at ngumiti sakanya " Then thank you for always by my side. But I wish—don't falling inlove with me"

"Don't be a fool, that's is imposible to happen my darling hahaha!"

Never Forget YouWhere stories live. Discover now