21

14 1 0
                                    

Di naman naging boring ang vacation ko kasi paminsan-minsan vinivisit ako ni Skye sa bahay with foods pa. Pero kahit ano atang klaseng pagpapasaya ang gawin niya saakin di ko na nakakayanang ngumiti pa.
Na parang sa isang pag-gising ko nawalan na ako ng gana sa lahat.

" Oy ngumiti ka naman."

Tiningnan ko lang siya

" Kahit kunti lang? Palagi ka nalang nakasimangot diyan"

Iniabot niya saakin ang donuts na inilingan ko lang naman.

" Paborito mo to diba?"

Tumingin ako sakanya " Sorry wala lang talaga akong ganang kumain"

Pinagpagan niya ang kamay niya at iniharap ako sakanya, tinitigan niya ang pagmumukha ko at wala naman akong ginawa kundi tingnan nalang din siya.

" Ano na bang nangyayari sayo?"
Hinawakan niya ang ilalim ng mata ko " Ang itim na subra ng eyebags mo, akala ko ba ayaw mo ng may ganyan?" ngumisi pa siya tapos sa pisngi ko naman binaling ang atensyon niya " Wala na rin mataba mong cheeks. Miss ko na yon e!" inuga-uga niya ako " Bumalik kana sa dati Aila oy! Balik na please!"

Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at yumakap ako sa mga tuhod ko.

" Dahil ba kay Villafuerte kong bakit ka nagkakaganyan?"

Lumingon lang ako sakanya saglit at umiwas nang tingin.

" Nagsisisi ka ba kung bakit di mo siya sinagot dati?"

Lumingon ako sakanya ng may pagkunot nuo. " Sky—"

"Halata kasing pinagsisisihan mo e. Mahal mo na ba?"

" You talk nonsense"

Umiling siya saakin " Alam kong sa mga oras na to kailangan mong may mapagsabihan ng sakit na nararamdaman mo."

I give him a searching stare.

" Come on tell me. I'm your
bestfriend right? "

Nakokonsenya din naman ako kung bakit best friend nga kami pero naglilihim ako sa kanya. Sasabihin ko ba sa kanya? Tumingin ako sa kanya ng walang reaksyon.

"Ano na?" he asked.

Huminga ako ng malalim " May i-iba na siya e"

Napahinga din naman siya ng malalim " Yeah. I see on fb"

" Mas bagay sila"

Ginulo niya ang buhok ko " Selos ka?"

Nang hindi ako nakasagot napangiti siya " Selos ka nga."

Napamungot nalang talaga ako ng mas lalo niyang ginulo nanaman ang buhok ko.Siya yung lalaking trip na trip ginugulo lagi buhok ko kaya kawalang gana ding magsuklay e!

"Pag nakararamdam ka ng selos ibigsabihin mahal mo na. Mahal mo na si Villafuerte ayiee landi!" kiniliti niya pa ang tagiliran ko na agad ko naman siyang hinampas.

Narinig kong napahinga siya ng malalim " Muntik na kaya kitang mahalin"

Nanlaki ang mata ko ng tumingin ako sakanya " What?"

" Mabuti nalang tinamad ako" Tas tumawa siya.

Hinampas ko siya sa braso niya
"Mabuti nalang"

Kinalbit niya ako sa braso kaya tumingin ako sakanya " Mahal mo na kaya ka nagkakaganyan?"  inayos niya ang upo niya " Sabihin mo sakin anong nararamdaman mo?"

Umiling ako " Tigilan mo ko!" utos ko sakanya.

Kinuha niya ang phone niya at nagkulinting doon makalipas ang ilang minuto lumapit siya saakin at ipinakita saakin ang mga pictures ni Grey na nasa Boston habang kasama nanaman sa picture yong Girlfriend niya. Magkayakap sila this time habang may hawak na bulaklak yong babae. Ni-scroll niya at itinigil naman sa litratong magkasama silang dalawa, makatabi sa upuan habang nasa restaurant kumakain.

Umiwas ako ng tingin at napakagat labi nalang.

Tinabig niya balikat ko " Ano? Ano nararamdam mo?" tanong niya.

Wala akong sinagot sakanya.

" Ito tingnan mo to!"

Sapilitan niya akong pinalingon sa cellphone niya kung saan bumungad saakin ang picture na magkahalikan sila ni Grey at nong babae. Lips to lips

Tinabi niya ang cellphone niya at tumingin saakin. " Ngayon hindi mo na kailangan pang sabihin kung ano yang tunay na nararamdam mo. Tanging alam ko lang nasasaktan ka sa lahat lahat nang nakikita mo."

Niyakap niya ako habang umiiyak. Di ko na talaga napigilan kusa nalang bumagsak e.

" Sorry" Bulong niya saakin.


A/N : Aw, bakit kasi di nalang si Skye! Paksyet naman oh! 😭😂

Never Forget YouWhere stories live. Discover now