26

12 1 0
                                    


After one month.

Medyo naiibalik ko na ang dating ako, ang dating masayahin, maingay, bully  at saka yong palangiting babae. About sa katawan ko? Ayun bumalik na sa dati, pinakain talaga ako nila Kuya Nate at Skye ng maraming maraming pagkain. About of my hair? Hanggang balikat ko nalang, utos ni Mom na magpagupit na daw ako para naman daw maiba.

" Maganda din yong A quite place" suggest ni Skye kay Kuya. At hindi ko maitatangging subrang naging close ang dalawang to. Paano? About of talking Hollywood movies or what. Minsan nga bromance yang dalawang yan e.

" Truth or dare din" sabi ulit ni Skye

" Teka teka search ko" sabi naman ni Kuya na halatang na eexciting sa ginagawa niya .

Tumayo naman ako dahilan para mapatingin saakin si Skye.

" San ka?"

" Papahangin lang sa labas" Nakangiti kong sabi sakanya.

Tumayo siya at pumunta sa malapit saakin " Samahan na kita?"

Umiling ako habang tatawa-tawa " No need. Baka mamiss ka kaagad ng isang BAKLA d—"

" SINONG BAKLA? " sabat ni Kuya

Tiningnan ko sa mata si Skye " Dito ka nalang sa labas lang naman ako Haha!"

Sumimangot siya. Kaya naman napatawa ako. Hilig magpaawa kakabwisit!

"Sky—"

" Don't nag Honey haha okey okey!" saka na bumalik si Skye sa upuan niya kanina.

Honey? Sus walang malisya yan sanay na din kasi ako na kung ano ano ang nitatawag niya saakin minsan darling, minsan baby tas honey pero I swear walang MALISYA talaga yan!

Pagkalabas ko ay agad akong sinalubong ng di kalakasang hangin, sarap sa pakiramdam na unti-unti ng bumabalik sa dati.

Napatigil ako sa pag-iisip ng may tumapik sa may balikat ko.

" Sana okay ka na talaga"

Ngumiti ako sakanya at isinandal ang aking ulo sa balikat niya. " Sana nga Sky. " Tumayo ako ng maayos at hinawakan ang mga braso niya " Thank you talaga dahil kahit kailan di mo ako iniwan"

GINULO NIYA NANAMAN ANG BUHOK KO!

" Best friend kita e"

*****

Maagap kaming sabay na pumasok ni Sky sa school dahil—di ko rin alam kong bakit.

I look at my watch " Mag si-six am palang?" tumingin ako kay Sky at napansin ko kaagad ang gulo niyang buhok na nagulat ata siya nong simulan ko yung ayusin "  Akala ko sakin lang di uso ang suklay, sayo rin pala"

Ngumiti siya dahilan para magsitindigan ang buhok ko sa mga braso

" Don't smile like that! So creepy "

Ngumiti pa siya lalo

" Oh come on Sky, anong nakain mo at ganyan ka?"

Sumeryoso ang mukha niya at ginulo ang buhok ko

" May problema ako Aila"

Napalingon ako sakanya. Ngayon siya naman ang may pinoproblema?

" Wanna share?"

Tinitigan niya ako ng pagkatagal-tagal kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano na? Magtitigan nalang tayo?"

Magsasalita na sana siya ng may dumating na ilan sa mga kaklase namin kaya napatigil siya at umiling.

" Wag na siguro, kaya pa namang pigilan"

Parang lumaki bigla ang ears ko sa sinabi niyang kaya ko pa namang pigilan...what? Tatayo na sana siya ng paupuin ko siya ulit

Tiningnan niya nanaman ako ng kakaiba at tatayo nanaman sana siya ng tumayo na rin ako, lalakad na siya ng umimik ako dahilan para mapatigil siya.

" Are you inlove with me?"

I'm not fucking idiot to not see his actions, akala ba niya di ko pansin ang malalim na pagtitig niya saakin sa araw araw na palagi kong ano-ano na ang mga sinasabi niya na ikinabibigla ko minsan na kung minsan nahuhulihan niya ako ng halik sa labi dahilan para magkaaway kami dati.

Sumeryoso ang mukha niya at lumapit naman agad saakin, tumigil siya sa harap ko sabay ginulo ang buhok ko.

" Pinipigilan ko naman e"

I'm calm my self, shit, sa pangalawang pagkakataon mangyayari nanaman ang ganito.

Never Forget YouWhere stories live. Discover now