23

15 1 0
                                    


August 6, 2018

Welcome back -___-

Welcome back? Pero dinaig ang hell sa pagwelcome saakin really ganito sasalubong na question saakin?

"Omoo bakit ganyan itsura mo?"

"Omygod ang laki ng pinayat mo"

" Kumakain ka pa ba?"

" Pumuti ka nga pero bakit ganyan kana kapayat? Di sexy tingnan"

Di naman kasi ako nagpapasexy nakakaloka!

"Yung eyebags mo girl, grabe ang itim ha?"

" Mas type ko dating Aila yong always blooming"

Napa-sigh nalang ako at umub-ub. Di kinaya ng utak ko lahat lahat ng katanungang ibinigay nila saakin kanila. First day class pero mas gusto ko lang mamalagi sa kwarto ko at maghapon matulog.

" Pst gising nandito na si Ma'am"

Dahan-dahan akong umayos ng upo at tumingin kay Skye. Yah were classmate, were sitmates and were bestfriend until now. Nag lipat pa talaga yan ng course dito para daw mabantayan ako kasi subra daw siyang nag-aalala saakin e. Palala na daw mga kinikilos ko. Baka daw isang araw magpakamatay na ako.

Like duh! Tanga niya kaya ,one time kasi pumasok siya sa kwarto ko na saktong may hawak akong cutter, inigaw niya saakin yon tapos tinapon agad sa labas tas dami daming sinabi na...

" Shit Aila! Alam kong subra kang nasasaktan pero wag mo naman saktan pati sarili mo! Umayos ka nga! Si Grey lang nang-iwan sayo pero nandito parin naman ako! Aila please.."

Tsk. Di niya ba alam na unang nadamput ko lang naman talaga ang cutter kesa sa gunting dahil di ko matanggal yung nakalawit sa damit ko.

" All eyes on here. May mapapadag-dag sa list ng klase niyo. Bale 34 na kayo lahat."

Maraming nag react, marami din na excite dahil narinig kong may new transfery daw na papasok sa
BS- Accountancy.

" Greyzon come here"

Nagkatinginan kami ni Skye at sabay na tumingin sa unahan kong saan nakatayo si Greyzon doon habang nakapamulsahan.

Tumangkad siya lalo, lumaki katawan niya, iba na hairstyle niya bagsak na yon di katulad dati na pwede nang makapatay sa mga butiki kapag may nahulog, pumuti siya lalo, iba na rin ngiti niya, yung ngiting may nagbibigay inspiration na which is her girlfriend in Boston. Sila pa kaya gayong nandito na siya ulit sa pilipinas tapos nasa Boston naman ang syota niya? Ah tanga i forgot the word of LDR.

" Whoo classmate nagbabalik ang gwapo!" Sigaw niya sa unahan at tuloy upo sa tabi ng mga barkada niya dati.

Ni isang pasadang lingon niya saakin di niya ginawa. Baka naman di niya na ako nakikilala kasi nga kinalimutan niya na ako diba?

" Panyo please" mahinang sabi ko kay Skye.

Bahagya naman siyang nataranta nang makita niyang sunod sunod na luha ang pumapatak sa desk ko. Mabilis niyang iniabot saakin ang panyo niya at agad ko naman iyung ipinunas sa mga mata ko.

Inilapit niya ang upuan niya saakin at saka rin bumulong " Shhhh. Don't cry. It's alright"

Tumingin naman ako sakanya " P-pero nandito na u-ulit s-siya"

Napatingin siya saakin ng seryoso " Diba dapat masaya ka? Bumalik na siya oh? "

Umiling ako " H-hindi ko alam p-pero d-di saya nararamdam ko e. N-nasasaktan a-ako S-skye"

Nihimas-himas niya ang likuran ko at sa abut ng kanyang makakaya walang tigil niya akong palihim na pinapatahan kahit na may klase pa.

" Tumigil kana sa kaiiyak Aila."

" I c-cant"

" You damn well can." tas pinatahan nanaman niya ako gamit ang paghimas ng mahina sa likuran ko.




A/N : So sweet kay Skye na ako, kay Skye na'ko lol!😍😂

Never Forget YouWhere stories live. Discover now