16

11 1 0
                                    


He was staring at me with perfect seriousness.  " Skye don't look at me like that!"

Nasa court kami kong saan dito sila nag prapractice ng basketball, mabuti nalang at walang masyadong tao dito.

" May napapansin lang ako sayo" he said.

Umayos ako ng pagkakaupo at lumingon sakanya. " Sakin?" tinuro ko pa ang sarili ko.

" Yes."

" Ano naman yon?"

Umiling siya dahilan para pilitin ko siyang masabi ang napapansin niya saakin.

" Ano nga kasi yon. Oh come on tell me please"

He chuckled first " Baka magalit ka"

" Why would I? Just tell me! susuntukin na kita tamo ka!" Pagloloko ko sakanya. Kainis tagal pang sabihin.

" Tungkol kay Villafuerte to" nakangisi niyang sabi saakin kaya biglang naging blanko ang mukha ko

Natawa naman siya ng makita niyang biglang tumahimik ako at tumingin sa kung saan. Hinigit niya ang ribbon ng nasa may uniform ko.

" Umamin ka nga may something ba sainyong dalawa?"

"W-wala a!" hinampas ko pa siya sa braso. Bigla namang nag-init ang mga pisngi ko. Mygod!

" Ayiee ba't namumula ka? Kasi may sinabi siya sakin e"

Sinamaan ko siya ng tingin " And what did he tell you?"

He's shaking his head. " Why would I tell you?" Ginaya niya pa ang sound ng boses ko habang sinabi niya yan.

Ugh! This jerk!

" Kinausap niya ako kahapon" sabi niya.

Tumaas ang kilay ko ng di nakatingin sakanya " At kailan pa kayo naging close?"

" Close? Ewan. Basta kinausap niya ako kahapon tapos nagulat ako dahil may inutos siya saakin medyo galit din siya."

Inutos? What the. Ano naman kaya yon? Hindi kaya naghahamon ng away si Grey sakanya?

He stood up and look at me. " Kung curious ka wag kang magtanong saakin." nakangiting sabi niya saka ako kiniliti sa tagiliran. " Mas mabuti kong wag mo nalang alamin " yumukod siya at tumapat sa tainga ko saka bumulong " Di kana masusuprise kapag nalaman mo na "

May klase kami pero ang buong atensyon ko ay na kay Grey lang. Nakakainis. Yah I admit I'm fucking curious about what the hell he tell him for Skye. Isa pa itong si Skye hindi gumana ang charming ko mapaamin lang siya kanina.

At nang tumingin ulit ako kay Grey ,napatingin din siya sa side ko. Hindi siya ngumiti at tanging seryosong mukha lang ang ipinakita niya saakin hanggang sa umiwas na siya ng tingin. Akala ko okey na kami na back to normal ulit. Di parin pala.

I want to talk to him.

Nag-bell na para sa uwian, sinadya kong di muna mag-gayak ng mga gamit ko at mas piniling paalisin muna ang mga kakaklase namin bago ko kausapin si Grey.

Nang tumayo na si Grey, tumayo na din ako at mabilis na tumakbo sa harapan niya.

We're stared at each other at para akong nawalan ng lakas magsalita dahil nakakalunod ang mga titig niya.

" May sasabihin ka?" he ask.

Inilagay niya na ang bag niya sa balikat niya at tumingin saakin " Di ka pa uuwi? "

Hindi ko siya sinagot at pumunta ulit sa upuan ko at umub-ub. Gusto ko siyang tanungin kong ano yung inutos niya kay Skye pero may pumipigil saaking wag ko yung gawin.

" Hey Greyzon di ka pa uuwi?"

Boses ni Stacie yon. Kaya nanatili nalang akong tahimik habang nakalugmuk sa upuan ko.

Bakit ba nandito parin ako?

Tatayo na sana ako ng magsalita si Grey.

" Sabay na kami ni Aila uuwi."

Never Forget YouWhere stories live. Discover now