Part 9

4.2K 141 9
                                        

HINDI makapaniwala si Wendy sa mga naririnig niya. Ang galing rin talaga ng beastly bodyguard niya, alam na alam nito kung paano makukuha ang loob ng kanyang ama. Para lang sumipsip ay ginamit pa siya. Nagpapanggap na professional ang kapre sa harap ng ama niya gayong kapag siya ang kausap nito, kayang-kayang makipagsabayan sa ayon dito ay 'tantrums' niya!

Mahaba na ang inabot ng usapan ng dalawa. Parang mas lumakas ang Daddy niya pagkatapos ng mga narinig nito kay Shanely. Gusto na niyang mag-walk out na nag-uusap ang mga ito na parang wala siya roon.

"Ang kawalan niya ng tiwala sa good side ng mga tao sa paligid niya," sagot ni Shanely nang magtanong ang ama niya ng isang negative trait daw niya na napansin nito. "Para siyang rosas sa ilang na bahagi ng gubat, Sir. Pakiramdam niya, lahat ng nakapaligid sa kanya ay nagbabanta ng panganib—at nasa gubat para saktan siya, kaya kailangan niyang gamitin ang tinik niya para bago pa man mahawakan ng kahit sino ang dulo lang ng petals niya, nasugatan na iyon ng tinik na nakapaligid sa kanya."

Napatingin si Wendy sa ama. Kung nalito siya sa sinabi ni Shanely, ang ama niya ay mukhang nakuha agad ang mensahe. Her father looked at her with so much love and tenderness.

"Tama ka," sang-ayon nito kay Shanely pero sa kanya nakatingin. "Hindi niya naisip na hindi lang panganib ang nasa gubat. Hindi lang naman mababangis na hayop ang naroon. There were colorful butterflies too, beautiful birds, tame beasts. Nakakalat rin sa gubat ang mga halaman at magagandang bulaklak, mga punong pahingahan, at mga batang ligaw..." patuloy ng ama niya. "Ano sa tingin mo ang gagawin ng mga ligaw na bata sa rosas, sweetheart?" tanong nito sa kanya.

"Huh? Ano pa ba? They're gonna destroy the poor thing. Pipitasin nila iyon, aapak-apakan at iiwan ng sira at durog na. Thank God for its thorns! Masira man siya, nasugatan naman ng tinik niya ang mga batang pasaway."

"Tama ba ang anak ko?" baling ng ama niya kay Shanely. Marahang ngumiti ang bodyguard niya, ang ngiting unang pagkakataon niyang nakita rito.

"Sa tingin ko, Sir, hindi lahat ng bata ay ganoon ang intensiyon sa bulaklak. Sabihin na nating lima ang batang ligaw, isa o dalawa sa batang iyon, baka iba ang naisip gawin sa bulaklak."

"Ano sa palagay mo ang naisip ng isa o dalawang bata?"

"Puwedeng pitasin at ilagay sa vase, puwede rin naman na bunutin nila ang rosas kasama ang ugat nito para ilipat sa mas malawak na garden, 'yong marami siyang makakasamang magagandang rosas na katulad niya, nang sa ganoon, hindi na siya mag-isa sa ilang na lugar na iyon sa gubat."

"Hindi maiisip 'yon ng mga batang nasa gubat, Dad!" puno ng kumpiyansa na sabat ni Wendy. "Bata lang sila. Laro lang ang nasa isip nila. Paglalaruan nila ang bulaklak at sisirain. Si Shanely lang ang nag-iisip ng mga sinabi niya. Weird 'yan, eh!"

"Ang totoo, sweetheart," anang ama niya. "Tama siya. Pareho kami ng naisip."

Umingos lang si Wendy dahil talo na naman siya. "Pareho kasi kayong old na, kaya pareho kayong mag-isip." Sa kawalan ng tamang salita ay iyon na lang ang sinabi niya.

Tumawa ang kanyang ama. Katakot-takot na irap ang ginawa niya nang tumawa rin ang bodyguard niya. Marunong din palang tumawa?

Mas nainis si Wendy nang mapansin niyang hindi pala talaga ito 'beastly' tulad nang unang napansin niya rito. Maamo pala talaga ang rehistro ng mukha ni Shanely lalo na kung tumatagal na tinititigan. Ang mga mata nito ang mas nagpapalambot sa anyo. Matangos ang ilong, perpekto ang heart shaped-face, mapuputi ang mga ngipin at manipis ang lips nito, hindi katulad sa karamihan ng mga kakulay nitong kilala niya na makakapal ang labi. Manipis ang mga labi ni Shanely. Sa hula niya ay malambot rin ang mga labing iyon...

Rigorr (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon