Part 7

4.2K 132 10
                                        

TULUYANG nabura ang takot at pag-aalala ni Wendy nang muli niyang makita ang masuyong ngiti at tingin ng ama. Unang araw iyon na nagising na ito mula sa mahabang tulog pagkatapos ng operasyon. Pakiramdam niya, nawala lahat ng bigat na nasa dibdib. maging ang takot niya ay nabawasan na rin.

Buhay ang ama at hindi ito nawala sa kanya.

Babalik na sa normal ang lahat. Hindi na uli siya mag-isa. Nasa tabi na niya uli ang pinakamatibay na kakampi at sandalan. Puwede na uli siyang maging si Wendy na kilala ng lahat—the wicked princess.

Nasa ospital pa rin ang ama nang araw na iyon pero naghihintay na lang ng araw ng discharge. Buhay na buhay na naman ang mga tawa nito na parang hindi nanganib ang buhay. Naging mabilis ang recovery, siguro ay dahil walang tigil ang pagdalaw ng mga taong malalapit rito.

 Mahigpit ang security sa paligid pero sa utos ng ama, nakapasok sa silid nito maging ang mababang mamamayan ng siyudad. Halos araw-araw ay walang hinto ang pag-iinspeksiyon ng mga guards sa labas sa kung anu-anong regalong dala ng mga dumadalaw rito. Napatunayan ni Wendy kung gaano kabuting tao ang ama sa bilang ng mga taong dumadalaw.

Sa oras na bukas sa mga dalaw ang silid ng ama,  sa loob at labas ang mga guards na nakapaligid rito. Mahigpit ang security team nito sa distansiya ng ama at ng bisita. Hindi maaring hawakan ang Daddy niya.

Si Wendy naman, nasa tabi lagi ng ama niya at nagmamasid lang. Sa likod niya ay ang bodyguard na si Shanely, na gusto niyang sakalin bawat minuto sa maraming dahilan. Tulad ng lahat ng bodyguards, hindi niya gusto ang lalaki sa una pa lang. Na-doble ang disgusto niya rito nang unang beses na nagsalita—ipinaramdam lang naman sa kanya na wala ni katiting na maganda sa ugali niya. Na-triple iyon sa unang gabi nilang magkasama dahil dakilang diktador ang kapre at wala siyang nagawa laban dito. Nakakainis lang.

At pagkatapos ng halos isang linggo na wala na silang ginawa kundi magbangayan, isinusumpa na si Shanely ng bawat himaymay ng maganda niyang skin. Makita lang niya kahit anino nito ay awtomatikong umaakyat lahat sa ulo ang dugo niya—at ganoon rin ang epekto niya sa bodyguard. 

Natatahimik lang sila pareho sa harap ng ama, at kapag may naramdaman itong panganib sa paligid. Ramdam na ramdam ni Wendy ang disgusto nito sa kanya pero sa oras na may banta sa kaligtasan niya, biglang nagta-transform si Shanely—nagiging Knight niya na. Dark Knight na parang handang isangga pati ang sarili sa balang para sa kanya.

Ipinagpapasalamat ni Wendy na patapos na ang semester, hindi na niya kailangang lumabas ng bahay para pagtiyagaan ang mukha ng bodyguard. Hindi na rin naulit ang ilang beses na pagtatangka sa buhay niya kaya somehow ay magkakaroon siya ng katahimikan.

Nitong mga nakaraang araw ay nami-miss niya si Bettina. Tahimik ang mundo niya noong ang babae pa ang driver niya.

"How's Shane as your bodyguard so far?" tanong ng ama nang sa wakas ay umalis ang huling bisita nito nang araw na iyon—si Lola Santina! Hindi  makapaniwala si Wendy na ang ama pala ang tinutukoy nitong 'old friend' na nasa ospital. Nalaman na rin ng matanda sa ama niya na bodyguard lang si Shanely at hindi niya asawa. Natawa na lang ang Daddy niya. Nakita ni Wendy na nag-usap ito at si Shanely bago umalis si Lola Santina.

Pinigil niyang irapan ang ama niya. Nanadya yata ito na itinanong pa iyon habang naroon at kasama nila si Shanely-beastly—na magaling nga sa trabaho, ang sama-sama naman ng ugali!

Nagka-clash lagi sila—resulta ng parehong masamang ugali.

Tumikhim ang Black Beast with a capital double B bago ito magalang na nag-excuse para pagbigyan silang dalawa ng ama niyang mag-usap.

"No," ang sinabi ng ama niya na nagpabaling kay Wendy. Pinandilatan niya ito pero tumawa lang at masuyong hinaplos ang buhok niya. "Na-miss ko ang mga ganitong usapan natin, sweetheart," saka nito itinuon kay Shanely ang tingin. "Hindi mo kailangang lumabas."

"Dad!" bulalas ni Wendy, kahit hindi niya nakikita ang sarili, alam niyang bakas na bakas sa anyo ang disgusto niya sa topic at sa sitwasyon. Sinulyapan niya nang matalim si Shanely na parang walang anuman na bumalik sa silyang kinauupuan nito malapit sa pinto.

"Sagutin mo ang tanong ko," baling sa kanya ng ama.

Napikon na si Wendy. "Ang kapre na 'yan, he's the worst beast I ever had contact with!" malakas niyang bulalas. "He's so rude, Dad! He's BBB!"

Rigorr (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon