Part 12

4.1K 129 7
                                        

HEARTBEAT ang unang rumehistro sa isip ni Wendy nang magising siya. Kung hindi siya nagkakamali ay nakahilig siya sa dibdib ng isang tao—at ang payapang pintig ng puso ng taong iyon ang naririnig niya.

Nagmulat siya ng mga mata. Ang mga bisig niyang nakatali ng itim na tela ang nakita ni Wendy, nakapatong sa mga tuhod niya—nagbalik sa isip ng dalaga ang lahat ng nangyari bago siya nakatulog.

"Dad? Dad! Oh, my God...Rigorr? Where—" naudlot ang pagkilos niya nang maumpog siya sa baba ng may ari ng pusong pinakikinggan niya ang pintig kanina lang. "Ouch."

"Don't move yet, pretty," boses ni Rigorr. "Nakatali tayo pareho," naramdaman niya ang pagkilos nito. Umayos ito ng upo kaya mas napasandal siya sa dibdib nito. Noon nalinawan si Wendy kung nasaan siya eksakto—nakakulong siya sa mga braso ni Rigorr. Tulad niya, nakatali rin ng itim na tela ang mga bisig nito, at ang isang binti nito ay nakaposas sa paa ng isang stainless na bench sa tabi nila.

"Where are we?" tanong ni Wendy habang maingat na itinataas ni Rigorr ang mga braso para palayain siya.

"Island."

"Island!" ulit niya at sinipat ang kinaroroonan nila. Walang kahit anong gamit sa loob liban sa stainless bench. Puti ang kisame at salamin ang nagsisilbing dingding nila. "Nasaan si Dad? Ano'ng oras na ba?"

"I wish I knew," sabi nito, pagbaling niya ay gumuhit sa mukha ang discomfort nang tumuwid ito ng upo. Sa tingin niya ay nangalay ang buong katawan nito. "Kinuha nila lahat ng gamit natin."

"Pati watch ko?"

"At watch ko."

"Ano'ng gagawin natin? Paano tayo tatakas dito? 'Sabi mo puwede nating iligtas si Dad. How? When?" Sumandal siya sa salaming dingding at dumausdos pababa. Hindi ito umimik, isinandal lang ang ulo, tumingala sa kisame at mariing pumikit. Mayamaya ay bumaling ito sa kanya.

"Dito ka sa tabi ko," mababang sabi ni Rigorr. "Kalagin natin ang tali mo."

Tahimik na lumapit si Wendy at umupo sa tabi nito. Kinalag nga nito ang tali sa bisig niya. Ilang minuto bago nakalaya ang mga bisig niya. Ang tali naman ni Rigorr ang kinalag niya. Pagkatapos ay lumapit siya sa pinto at sinubukang buksan iyon. Napatingin siya siya kay Rigorr nang magpatay sindi ang ilaw sa loob kasunod ang maingay na tunog.

Napabalik siya sa tabi ni Rigorr nang makarinig siya ng malalakas na yabag.

Dalawang lalaki ang magkasunod na pumasok, parehong walang pang-itaas ang dalawa. Punit-punit na jeans lang ang suot ng mga ito, parehong may itim na telang takip sa mukha—mata lang ng dalawa ang visible.

"Gusto mong tumakas, brat?" tanong ng isa sa kanya, lumapit ito kay Rigorr at basta na lang kinabitan ng posas ang kaliwang bisig nito at ini-lock iyon sa paa ng stainless bench. "Kaya mo bang lumangoy sa dagat mag-isa? Kung kaya mo, sige. Umalis ka at iwan mo sa amin ang bodyguard mong inutil."

Narinig niya ang mahinang pagmumura ni Rigorr. Pinatid nito ang lalaking nag-posas rito gamit ang malayang binti. Nadapa sa sahig ang goon. Tumalikod naman ang isa pa, hindi alam ni Wendy kung tama ang nakita niya sa mga mata nito. Parang ngumiti at sinadyang tumalikod para itago iyon.

Galit na bumalikwas ang nadapang goon at walang kaabog abog na binunot ang baril na nasa tagiliran—itinutok sa gitna ng noo ni Rigorr. Si Rigorr na hindi man lang kumurap.

Napasinghap si Wendy. Wala siyang ideya kung nasaan ngayon ang ama niya, si Rigorr na lang ang natitirang puwede niyang kapitan ngayon. Hindi maaring mapahamak ito. Hindi niya kakayaning mag-isa kasama ang mga goons na ito.

Binuksan ng isa ang pinto. "May speed boat sa tabi ng seashore, wench. Kung kaya mong tumakas mag-isa, umalis ka na—"

"Bubutasan ko na lang ang noo ng bodyguard mo para malusutan namin ang galit ni boss." Sansala ng goon na may hawak ng baril. "Ano? Pipiliin mo bang iligtas ang sarili mo kapalit ng buhay niya?" inalis nito sa gitna ng noo ni Rigor ang baril at sinipat. "Sagot!"

Rigorr (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon