CHAPTER 1

16.5K 261 3
                                    

"Ma, I thought it you made it clear na it will only be just a date. Pero bakit kasama kayo ni Dad?" Naguguluhang tanong ni Phil sa magulang. Pagpasok niya kasi ng restaurant at sinalubong na siya ng ina at iginaya sa table nila, at ang ama lang niya ang andoon. "And where is my date? You know that I value time." Inis na tanong nito.

"They're on their way here na hijo." Sagot ng ina. "You should learn how to be patient." Sita nito sa kanya. Hindi na nito pinansin ang ina at ibinaling ang tingin sa ama na katatapos lang kausapin ang waiter.

"Dad, care to tell what is going on?" Tanong niya sa ama.

"You will know later, son. Let's just wait for our guests." Sagot nito, mukhang wala siyang mapapala sa katatanong kaya tumahimik na lang siya at itinuon ang attensyon sa cellphone.

"I'm very sure na magugustuhan mo ang date mo ngayon, hijo. She is a beautiful woman, if I'm not mistaken, nasa kanya na lahat ng hihingiin mo sa isang babae." Kalauna'y sambit ng ina.

"Mom, pinapaalala ko lang, wala akong pakialam kung maganda siya, basta ayaw ko sa babaeng may attitude problem at sa mga makakapal ang kolorete sa mukha." Seryosong sambit niya. "Dad, you should do something about mom. Hindi naman sa wala akong balak magsettle down, but until now I haven't meet my match." Sambit nito sa ama, ito lang kasi ang nakakaintindi sa kanya. Marahil ay sa ama din siya nagmana—hindi lang mukha ang namana nito sa kanya kundi ang angkin talino at ugali nito.

"Don't you trust my judgment hijo?" Malungkot na tanong ina niya at umarte pa na nasaktan dahil sapu-sapo nito ang dibdib niya. Napabuntong hininga nalang siya sa inakto ng ina.

"Mom, ilang beses mo na akong ipinadate sa iba't-ibang babae, weekly na ngang may lumalabas na issue tungkol sa akin." Malumanay na sambit nito.

"Don't worry, this time, last na 'to." Nakangiting sambit ng ina niya, ngunit alam niya ang ngiting iyon. "Hindi na kita ipapadate sa iba." Dagdag nito and he can sense na may plinaplano ang ina.

"You should trust your mom this time, Phil." Sambit ng ama niya at hinawakan ang kamay ng ina na nakapatong sa lamesa. "We decided that this will be the last time." Dagdag nito at tiningnan ang ina niyang ngiting-ngiti.

"Oo nga naman, hijo. After all, mother knows best." Dagdag naman ng ina niya na hindi natatanggal ang ngiti sa mga labi.

"Okay, fine." Pagsuko niya at hinilot ang sentido.

"Ohh, Leila, finally you're here!" Masayang sambit ng ina, tumayo ito at nakipagbeso sa bagong dating.

"I'm sorry Sheila, we're late, nag-overtime kasi kanina sa review center." Sambit ng ginang.

"It's okay." Nakangiting sambit ng ina. "Maupo ka, mare." Dagdag nito. Umupo naman ito sa upuan katapat ng ina niya. Nabaling sa kanya ang tingin ng kadarating na ginang at ngumiti.

"Siya na ba ang anak mo, mare? Aba'y napakalaki na niya, at napakagwapo." Sambit nito. "At carbon copy mo pa, Anthony." Sambit nito sa ama ni Phil.

"Magandang gabi, po." Magalang bati niya dito.

"Nagmana nga itong si Phil kay Anthony. Pati ugali pareho sila." Naiiling na sambit ng ina ni Phil.

"Sina Adolfo pala at si Claire?" Tanong ni Anthony.

"Anthony!" Galing ang boses na 'yun sa likod niya.

"Adolfo!" Masayang nakipagkamay ang ama sa bagong dating. Kung hindi siya nagkakamali ay ang mag-asawang kaharap niya ngayon ay ang mga kaibigan ng magulang niya. Minsan na niyang nakita ang picture ng mga ito sa album na pinakaiingatan ng magulang.

THE BILLIONAIRE 4: PHIL COLLEN MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon