AGAD na pinuntahan ni Phil ang address na ibinagay sa kanya ni Gab, kung kanina ay halos lasing na siya, ngayon ay biglang nawala ang kalasingan. Maayos na siyang nakapag-iisip at maayos na narating niya ang bahay sa address. Agad din naman siyang inasikaso ng mga tauhan ni Gab, marahil ay tinawagan ng kaibigan ang mga ito at ibinalitang darating siya.
"Si Claire?" Agad na tanong niya sa mga ito.
"Nasa balkonahe po, sir." Sambit ng kasambahay at sinamahan siya dito, agad din naman itong nagpaalam. Pinagmasdan niya ang babaeng nasa harap niya.
"Oh! How sweet." Narinig niyang sambit nito. "Mabuti pa 'tong mga bida nagkaaminan na." Dagdag nito habang inilapag ang hawak na libro sa lamesa.
"Claire..." Alanganing tawag niya sa dalaga, ngunit wala siyang narinig mula dito. "Bakit ka umalis nang hindi man lang ako kinakausap?" Tanong niya dito. "You don't know how much I suffer thinking na hindi na kita makikita pa, na baka sa susunod na pagkikita natin ay may iba ka nang tinatangi. Mahal kita, Claire at hindi ko kayang mawala ka sa piling ko." Sambit niya. "Ngayon pa nga lang na mahigit isang linggong hindi kita nakita ay halos mabaliw na ako. I love you so much, Claire. Unang kita ko pa lang sayo ay alam ko nang ikaw na ang makakasama ko sa habang-buhay. Kaya I don't care kung sa arrange marriage lang tayo nag-umpisa, ang mahalaga ay ang nararamdaman natin." Dagdag niya."Claire?" Tawag niya sa dalaga ngunit nanatili itong walang kibo. Nilapitan niya ito nainis sa nakita.
"What?!" Napamulat sa gulat ang dalaga nang hablutin niya ang earphones nito.
"Damn, woman!" Galit na bulalas nito, kanina pa siya salita ng salita ngunit hindi pala nakikinig ang kausap.
"Phil?" Gulat na sambit nito. "Oh, Phil!" Niyakap siya nito ng sobrang higpit. "Akala ko di na ktia makikita pa. Halos mamatay ang puso ko sa kakaisip na hindi na kita makita pa."
"Oh, so now you're telling me that?" Hindi makapaniwalang sambit niya dito. "For one week, hindi kita makontak! Alam mo bang sobra-sobra kaming nag-aalala sayo? And now you're telling me that? Damn, Claire!"
"B-bakit ka ba nagagalit?" Kunot-noong nito sa kanya. "Sino ba ang may kasalanan kung bakit ako umalis?" May pagsusumbat sa boses nito.
"Ikaw!" Sagot niya na halatang ikinagulat ng dalaga. "Nagdecide ka agad without clearing those things to me, ang hirap sayo naniwala ka agad sa mga bali-balita!" He sighed. "Forget about it, hindi na importante 'yun, ang mahalaga ay nakita na kita dahil sobra-sobrang nag-aalala sina Tito at Tita, pati na din ang pinsan mo ay nakokonsensya sa pag-iwan sayo sa Batangas."
"I'm sorry." Mahinang sambit ng dalaga. "I'm sorry for my reckless actions, hindi ko man lang inisip ang mga tao sa paligid ko-- ang mga magulang ko, ang pinsan ko, ikaw... I'm sorry." Lumuluhang sambit nito.
"It's okay, baby. Tapos na, wala na tayong magagawa. Hindi naman natin ginusto ang nangyari." Sambit niya at marahang pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ng dalaga. "About Charlene--"
"I know." Ngumiti ito. "I should've known better, I'm sorry about that. Hindi ako nagtiwala sayo." Sambit nito. "I realized that 3 days ago, uuwi na sana ako nang Maynila-- sa inyo, sa'yo."
"Pero bakit--"
"Nakasalubong ko ang inaanak ni dad, nagpresinta siyang sabay na kaming tutungo sa Maynila, pero may ibang balak pala ito." Sambit nito na ikinadilim nang mukha niya. Walang nabanggit si Gab sa kanya kanina tungkol dito. "Ang balak pala niya ay dumito na muna ako, since according to him, he loves watching his friends being miserable. Hindi ko kayo makontak dahil kinuha niya ang sim ko at hindi rin ako maka-connect sa wifi dito." Dagdag nito na ipinagtaka niya. May ideya na din siya kung sino ang tinutukoy ni Claire. "May sinabi pa siya bago umalis."
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE 4: PHIL COLLEN MONTEVERDE
RomancePhil Collen Monteverde, the owner of the Newly Trend Magazine that is well-known all throughout the globe. At sa edad na 28 ay wala pa din siyang balak magsettle down dahil sa kadahilanang hindi niya pa nahahanap ang tamang babae para sa kanya. Kaya...