Chapter 11

5.5K 103 2
                                    

MASAYA ang mga estudyante nila sa review center nang magbalik si Claire, at walang tigil nila itong inusisa kung saan siya nagpunta. At kung ang ikinalat ni Charlene na balita ang dahilan sa kanyang pagkawala. Totoo man ngunit ang idinahilan niya ay may binisita lang siyang kamag-anak kaya siya nawala. Nang tanungin ulit siya ng mga ito kung maayos lang ang relasyon nila ni Phil ay isang makahulugang ngiti lang ang isinagot niya sa mga ito, dahil maging siya ay hindi niya alam kung ano talaga ang totoo.

"What are you doing here, dad?" Nagtatakang tanong niya sa ama dahil walang pasabi itong bumisita sa center.

"nothing much. Nasanay kasi akong nagpupunta dito sa isang linggong nawala ka." Sagot ng ama. "Anyways, nasa malapit na restaurant ang mommy mo, hinihintay niya tayo." Dagdag nito na ikinakunot ng noo niya. "It's almost lunch, sweetie."

"I know dad, pero may plano kami ni Phil ngayong lunch." Alanganing sagot niya.

"Then invite him out. SAbay-sabay na tayo." Nakangiting sambit ng ama.

"Okay, dad. I'll just get my things." Sambit niya. Sa kotse na niya tatawagan si Phil.

"Anong sabi ni Phil?" Tanong ng ama, katatapos niya lang kausapin ang binata. Tatawagan niya sana ito ngunit biglang tumawag sa kanya ang binata.

"May emergency po siya, kaya di siya makakadalo." Sagot niya.

"Tapos na ang tatlong buwan na hinihingi niyo." Biglang sambit ng ama na ikinagulat niya. "Andito na tayo. Tara na't naghihintay na sila." Dagdag nito na ipinagtaka niya, sinong 'sila'? Ang sinabi lang ng ama niya kanina ay ang ina niya ang naghihintay sa kanila. Nagtataka man ay sinundan niya ang ama hanggang sa natanaw niya ang ina kasama ang mga magulang ni Phil at mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, hija." Pagbabasag ng ama ni Phil sa katahimikan nang sila'y kumakain. "Alam nating lahat na tapos na ang tatlong buwan na hinihingi niyo ni Phil, at dahil sa hiningi niyong ito ay nalinawagan na din kami." Seryosong sambit nito na ikinakaba niya.

"Hija, ang gusto lang namin ay ang maging masaya kayo. Hindi namin hangad na magsisi kayo sa bandang huli dahil lang sa kagustuhan naming mga magulang niyo." Seryosong sambit ng ama niya.

"A-ano po ang ibig niyong sabihin?" Nanginginig ang boses niya, may ideya na siya kung ano ang gusto nilang iparating. "Tungkol po ba ito sa kasal?" LAkas loob niyang tanong.

"Yes, hija." Sagot ng ina niya. "Ayaw naming matali kayo sa isa't isa nang dahil lang sa amin."

"Are you telling me that the wedding is off?" Tanong niya.

"Ang gusto lang naman namin ay ang kasiyahan niyo, hija." Sambit ng ina ni Phil. "Sabi nga ng mommy mo, ayaw naming matali kayo sa kasalang walang pagmamahalan."

"Alam na po ba ni Phil ito?" Mahinang tanong niya.

"Hindi pa namin siya nakakausap, hija." Sagot ng ina ni Phil.

"I-is that so.." Nanghihinang sambit niya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin. May punto nga naman ang mga magulang nila ni Phil. Oo nga't mahal niya ang binata pero walang kasiguraduhan kung ganoon din ba ang binata sa kanya. The marriage would be pointless kung one-sided lang ito.

"Pag-uusapan na lang po namin ni Phil ito." Sambit niya. "Nakadepende sa kanya ang isasagot ko.." Dagdag niya.

"Why would you...." Phil's mom realized something. "You love him.." Marahan siyang napatango at nagkatinginan ang mga kausap niya.

Matapos ang pag-uusap nila ng kanyang magulang at magulang ng binata ay maghapong tulala at nagkulong sa opisina ang dalaga.

"Ayos ka lang ba, pinsan?" Nag-aalalang tanong ng pinsan nang pumasok ito sa opisina niya. "Napansin kong hindi ka lumabas magmula kanina."

THE BILLIONAIRE 4: PHIL COLLEN MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon