Chapter 6

5.6K 134 3
                                    

"You're still angry." Mahinang sambit ni Claire kay Phil, kasalukuyan silang nagla-lunch sa MJ restaurant ngunit wala silang imikan magmula nang pumasok sila.

"I'm not in the mood to talk right now, Claire." Seryosong sambit ng binata na ikinailing na lang niya. She knew him too well kaya tumahimik na lang siya at mamaya na lang niya ito kukulitin. Maayos pa naman sila kanina pero nang may mga kalalakihang bumastos sa kanya ay hindi iyon pinalampas ni Phil.

"Damn those bastards! May gana pa silang bastusin ka in a broad daylight and you're even wearing a blouse and a freaking pants!" Inis na sambit ni Phil nang hindi siya nagsalita. "Tapos babae pa ang sisisihin ng mga tao kung bakit siya nabastos because of what she's wearing, saying na prinovoke niya ang mga kalalakihan dahil sa ikli ng skirt niya. To hell with that! Ikaw nga na nakapantalon binastos pa! Instead of giving precautions to women for their outfits, they should tell those damn bastards to keep their zipper close!" Dagdag nito. And she couldn't agree more, totoo naman ang sinabi nito, walang babaeng mababastos kung lahat ng lalaki ay may respeto sa mga kababaihan. "Are you sure na okay ka lang na magpuntang Batangas?" Tanong nito, "I'm worried baka mangyari ulit ang nangyari ngayon." Dagdag nito.

"Don't worry, may mga kasama naman ako, nothing will go wrong." Sagot niya. "Besides sa hotel na mismo yung venue kaya pagkatapos ng program ay deretso lang ako sa room ko."

"Sinu-sino pala ang mga kasama mo pupunta doon? May lalaki ba?" Seryosong tanong nito. "Dahil kung may lalaki ay ako na mismo ang maghahatid sayo doon."Dagdag nito in a possessive tone.

"There would be a guy..." Sagot niya na lalong ikinakunot ng noo ng binata. "But he's my cousin, so there's nothing to worry about."

"Siya lang? Mag-isa niya lang na lalaki sa gropo?"

"Yep, so don't worry too much." Sagot niya. "Anyways, can we go to the center at 3 PM? May kukunin lang ako sa office."

"Yeah, sure." Sagot nito.

.

.

"It is now 3:00 but let's just finish this part para hindi tayo mabitin." Iyon ang naabutan nila sa center, nasa module 1 na sila this week, ang pinakamabigat sa lahat ng module. "Ayaw na ayaw ko pa man ding nabibitin." Dagdag ng lecturer nila na si Sir Ray. "Alam na alam yan ni Ma'am Claire, hindi ba ma'am?" Nakangising tanong nito at napalingon ang mga studante sa kanila ni Phil sa likod, bigla naman siyang namula nang may maalala.

"What the fuck!" Seryosong sambit ni Phil at matiim siyang tinitigan, seryoso ang mukha nito at halatang nagtitimpi lang. "Mauuna na ako." Maya-maya'y sambit nito at mabilis na lumabas ng silid. Agad siyang nagtungo sa office niya at kinuha ang folder na nasa ibabaw ng mesa, mabuti na lang at naayos niya yun kahapon. Nakasalubong niya si Yvette pero walang salitang umalis siya ng center at hinabol si Phil.

"Lintik kang Ray!" Inis na usal niya habang lakad-takbo ang ginawa niya patungo sa parking lot, laking pasasalamat niya nang makitang andoon si Phil na nakasandag sa sasakyan niya at matiim na nakatingin sa kanya. "Phil..." Usal niya ngunit pinagbuksan lang siya ng binata ng pinto, masama pa din ang timpla nito, tahimik siyang sumakay at hinintay na makapasok ang binata.

"Where to?" Seryosong tanong nito.

"Its not what you think." Sambit niya dito, at this point alam na niya ang nasa isip ng binata.

"At your home then." Walang emosyong sambit nito at inistart ang sasakyan.

"Phil naman!" Maluha-luhang sambit niya ngunit di siya pinansin ng binata. "It's not what you think.." Mahinang usal niya.

THE BILLIONAIRE 4: PHIL COLLEN MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon