Chapter 9

5.3K 135 4
                                    

MATAPOS magpaiwan sa pinsan sa hotel na tinutuluyan ay agad-agad din siyang nagtungo sa Laguna kung nasaan ang kamag-anak nila na alam niyang mapagkakatiwalaan. Ayaw na muna niyang bumalik sa Maynila dahil hindi pa siya handang harapin si Phil.

"Hija, apat na araw ka na dito." Sambit ng tita niya. "Wala ka bang balak ipaalam sa kanila na andito ka? Kahit na sa mga magulang mo lang?" Tanong nito. "sobra-sobra na silang nag-aalala sayo." Dagdag nito.

"Hindi ko pa po kaya, tita." Mahinang sambit niya.

"Nahulog na din ang puso mo sa kanya, hindi ba?" Tanong nito at tumango na lang siya. "Hindi mo pa siguro nababalitaan ngunit nagpatawag ng press conference si Phil 2 days ago para linawin ang namagitan sa kanila ni Charlene. Nilinaw nitong hindi siya ang ama nang pinagbubuntis ng dalaga." Imporma nito na ikinagulat niya, kilala niya si Phil, maaari nitong ayusin ang gusot niya na hindi nagpapatawag ng press conference. It's a waste of my time, ika nga nito.

"Pag-isipan mong mabuti ang mga desisyon mo, hija." Sambit muli ng tiyahin. "Sa mga ganitong problema na dumadaan sa relasyon niyo, huwag kang maging one-sided, dapat nasa gitna ka pa din, pakinggan mo ang dalawang panig. Mararamdaman mo naman sa puso mo kung nagsasabi ng totoo ang taong mahal mo, mahahalata mo din sa body gestures niya." Dagdag nito. "Pag-isipan mong mabuti ang mga desisyon mo, hija. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, ang mga magulang mo at si Phil." Sambit nito at iniwan siya sa silid na inookopa niya.

Napaisip siya sa mga sinabi ng tiyahin, may punto nga naman ito. Napapaisip siya kung tama nga ba ang desisyon niyang magtago. Naalala niya ang sinabi ng tiyahin na nagpatawag ng press conference ang binata kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya sa bag at inopen ito. Sa pagtungo niya sa Laguna ay pinatay niya ang cellphone.

Hinanap niya agad sa Google ang press conference ni Phil, inopen niya ang isang video at pinanood ito. Talagang nilinaw nito ang mga balita tungkol sa kanila ni
Charlene. Nagulat din ito sa rebelasyon ng binata na seryoso ang relasyon nila.

"Can I hold onto that, Phil?" Naiiyak na tanong niya habang nakatingin sa mukha ng binata na halata sa mukha ang puyat at lungkol. "Whatever it is, nakapagdecide na ako. I'm sorry." Sambit niya at pinakawalan na ang mga luhang kanina pang nagbabadyang kumawala.

Makalipas ng ilang saglit ay inayos niya ang kanyang sarili at ang kanyang mga gamit, at nagmamadaling bumaba nang hagdan. Doon ay naabutan niya ang tito at tita niyang masayang nag-uusap. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nasaksihan, hindi na din lingid sa kanyang kaalaman ang hirap na diranas ng dalawa bago tuluyang naging masaya.

Matapos siyang bilinan ng tito at tita niya ay nagpaalam na siya, nagpresinta din ang mga ito na ihatid siya sa terminal ng bus pero tinanggihan niya ang mga ito, ayaw na niya silang abalahin, total ay marami din namang dumaraang taxi sa labas ng subdivision na tinitirhan ng mga ito. Nakiusap din siya sa mga ito na huwag na munang tawagan ang mga magulang niya.

"Look who's here." Nag-aabang na siya ng taxi nang may magsalita sa likuran niya, nang linungin niya ito ay walang iba kundi si Gabriel ____, ang inaanak ng ama niya. She can say that they are friends but not close.

"What are you doing here, Gabriel?" Nakakunot ang noong tanong niya.

"I have a house near here, and handle ng agency namin ang mga security dito, and I'm just checking them out." Sagot nito. "How about you, Claire? What are you doing here?" Tanong nito.

"Just visiting a relative." Sagot niya. "Nag-aabang lang ako ng taxi, magpapahatid ako sa terminal. I'm going home."

THE BILLIONAIRE 4: PHIL COLLEN MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon