Chapter 5

5.9K 127 3
                                    


"Mukhang inlove ka na talaga bro." Sambit ni Jon sa kanya nang bisitahin siya nito sa opisina niya, nasabi niya kasi sa kaibigan ang plano niya.

"I don't know if you call it love.." Umiiling na sambit niya. "Ngayon ko lang to naramdaman sa isang babae, man, lahat ginagawa ko tuwing nagtatampo siya, kahit na magmukha akong tanga para lang masilayan ko ang mga ngiti niya. At sa tuwing may hindi kami pagkakaintindihan ay ayaw kong matapos ang gabi ng hindi kami nagkakaayos. Masilayan ko lang ang ngiti niya napapawi lahat ng pagod at puyat ko."

"That's love, bro." Nakangiting sambit ng kaibigan. "Ganyan na ganyan din ako kay Sam, to the point na kahit may lalaking grabe kung makatitig sa kanya ay gusto kong dukutin ang mga mata niya." Napailing na lang siya ng ulo dahil ganoon na ganoon din siya, nagpapasalamat na lang siya na hindi mahilig sa dress ang dalaga at ng hindi maexposed ang legs nito. Lagi itong nakajeans pero sa tuwing may date sila ay doon lang ito nagsusuot ng dress. "I'm happy that finally, you were able to find your match." Nakangiting sambit ng kaibigan.

"Thanks man." Nakangiting tugon niya. "Unti-unti na tayong nagsesettle down, si Gab na lang ang kulang." Sambit niya.

"Maybe its time para tayo naman ang tumulong sa kanya. He is always been the one who is helping us, mapapag-ibig o security man yan." Sambit ni Jon. "It's just a shame na ikinasal na ang babaeng may hawak ng puso niya." Umiiling na dagdag nito.

"Wala bang kakambal si Ayesha?" Wala sa sariling tanong niya.

"What do you mean?" Kunot noong tanong ng kaibigan.

"Kasi sa kwento ni Gab, nang araw ng kasal ni Ayesha, pinuntahan niya ito pero hindi siya nito kilala." Sagot niya. "And there was a time na nakasalubong ko noon si Ayesha sa Hong Kong at kinumusta niya si Gab, at nang nabanggit kong pinuntahan siya ni Gab nang araw ng kasal niya ay nagulat lang ito at biglang nagpaalam."

"Nakakapaghinala. Pero during university days, wala akong maalalang kasakasama si Ayesha.... Hold on a sec." Bigla itong napaisip. "I just remembered something during university days, there was time na nakasalubong ko si Ayesha nung uwian and I greated her pero hindi niya ako pinansin. And the next day, nang magkasalubong ulit kami siya na ang unang pumansin sa akin. Isn't that weird?"

"That's definitely weird." Tumatangong pagsang-ayon niya.

"I will look onto it, since ako naman na ang walang problema na iniintindi sa ngayon." Presenta nito.

"Okay, thanks man! I'll help pag maayos na ang sa amin ni Claire." Sagot niya.

.

.

"Claire, I have something to tell you." Sambit niya sa dalaga nang mapag-isa na sila sa opisina nito, may mga inaasikaso kasi ang dalaga sa center kaya siya na ang pumunta.

"Ano 'yun?" Tanong nito pero nakatutok pa din siya sa mga papel na binabasa niya. "May sasabihin din pala ako sayo." Dagdag nito.

"Ano 'yun?" Tanong niya.

"You first, Phil." Sambit nito at binitiwan ang mga papel na hawak.

"No, mauna ka na, mukhang importante 'yan." Sambit niya. Tumayo ang dalaga at tumabi sa kanya.

"I will be gone for a 2-3 days for a Seminar in Batangas." Sambit nito na hindi na niya ikinagulat, dating a pharmacist means you have to accept the fact na paminsan-minsan ay aalis ito at mawawala ng ilang araw para sa mga seminar. Dahil maging siya ay ganoon din, kung hindi seminar ay business meeting sa ibang bansa o sa ibang lugar.

THE BILLIONAIRE 4: PHIL COLLEN MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon